CERTIFIED VOICE ARTIST PROGRAM BATCH 9, DAY 2: SURPRISE!!!

 CVAP Day2 Blogpost:

 

Yoooooow!!! Hello, mga ka-Jammers!!!

So… SECOND DAY NA!!! Update lang kita ha. This blog is about my journey sa CVAP. Kwentuhan lang ito kung ano’ng mga natutunan ko and kaunting insights about sa mga yun.

Edi ito na nga… second day… akala ko hindi na ako magiging excited. Honestly. Kasi nga, ‘di ba, hindi na ako marunong maging estudyante. Pero, sa totoo lang, the night before the second day, pinakinggan ko ulit lahat ng assignments na ipinasa ko for Day 1; and, that really made me excited na matuto pa sa Day 2. Lesson learned, ang assignments ay hindi lang para may activity ka tungkol sa pinag-aaralan mo. Ang mga ito ay pawang langis sa isang lampara na magpapanatili sa pagningas ng apoy ng iyong pagnanasang matuto at magpakahusay. (Naks, Tagalog!)

Nagsimula ang klase…nang wala ako. Hahaha… nahuli ako nang kaunti sa paggising. Ngunit ito ang kagandahan sa online classes. Kahit kakabangon mo pa lang, maaari ka nang dumiretso sa classroom. Bubuksan lamang ang computer, kokonekta sa internet, suklay ng kaunti habang naghihintay, pagkatapos, ngiti na!

Fast forward, THE Sir Pocholo “VM” De Leon Gonzales, once again had the stage. He shared to us the “Voice Master’s Formula” in making character voices. Sa una, as usual, very fascinating. Pero nung tina-try ko na, medyo mahirap. Tricky kasi ng kaunti para sa akin eh. Yes, I give voice lessons for singers, pero ibang set up kasi kapag sa Voice Acting.

Anyway, kinaya ko naman, may mga na-create naman akong character voice. Karamihan sa mga yun eh malalaking boses. Ehem, second bass ako sa choir. Cool diba? I was just anxious nung sinabi nang gumawa ng VO ng AVP of my life. Like, write the script in a short span of time!!! Waterloo ko yun eh. Di talaga ako magaling sa extemporaneous writing/speech. However, I made it. Kinaya ko! I really didn’t know na may ganun pala akong skills. Astig talaga ng CVAP! It will bring out the best in you!

There! All in all, the day has been really great, as always. Makes me real excited for the next ones.

To my dear self, a pat on the shoulder. You survived! Little by little, you are thriving. It’s a great decision to give CVAP a go!

Post a Comment

Previous Post Next Post