CERTIFIED VOICE ARTIST PROGRAM BATCH 9 DAY 3: "SI SUPER DANNY"


Maglalakbay ako patungo sa kawalan,

Upang habulin ko’ng pangarap sa buhay,

At susuungin koi tong kadiliman,

Makita ko lamang ang liwanag ng katarungan.”

 

Pamilyar ba? Kung isa kang Batang 90’s, pupusta ako, alam mo ito. Clue: kabayong robot…

 

BT-X!

 

Isang napakagandang palabas noong kapanahunan ko. Oo, sige na, matanda na ako. Pero, ipinagmamalaki ko’ng naabutan ko ang mga tagalized anime shows noon. Kadalasan yan, kung hindi 8am-10:30am, nasa 4pm-5:30pm yan mga yan. Nakakaaliw, nakakatuto, napakaganda.

Siyempre, nung nasa ganung edad pa lang ako, paniwalang-paniwala ako na yung mga characters sa anime yung mismong nagsasalita. Wala akong idea na may mga totoong tao pala sa likod ng mga characters na yun. At ngayon nga, September 18, 2021, nakita ko ang isang hardcore sa mga taong iyon. Tawag naming sa kanya sa klase ay SIR Danny. Yung mga alumni naman, AMA Danny. Kung ako ang tatanungin, mas gusto ko siyang tawaging SUPER DANNY!!!

 

OO, SUPER!!! Parang isang superhero. Hindi pala “parang,” SUPERHERO talaga!!!

 

Bakit? Narealize ko kasi habang naglelecture siya, “OO nga ‘no? Yung mga palabas na cartoons noon ay malaki ang nagging ambag sa kung sino ang batang si Intoy (Bonbon pa ang tawag sa akin noon. Wala sa hinuha ko na baling araw ay magiging Intoy ang pangalan ko.) Maraming kaugalian ang nakuha ko sa panunuod ng mga animes noon na hindi ko naman tuwirang nakukuha sa Paaralang Elementarya ng Baclaran Unit 1. Aminin mo, nung bata ka rin, hindi naman lahat ng sinasabi mo ay galing sa mga itinuro ng magulang at guro mo. Yung iba, nakuha mo lang rin sa panunuod ng cartoons at anime.

 

Mabalik tayo kay SUPER DANNY! Isa siyang bayani dahil siya ang nagbigay buhay sa mga kwentong tinutularan ko noong ako ay bata pa. Ganun lang kasimple yun!

 

Pero, ito, ha. Bukod sa mga natutunan ko noong bata ako dahil sa mga cartoons at anime, meron na naman akong bagong natutunan. Ang masalimuot na mundo ng Dubbing Industry/Voice Acting Industry. Medyo maselan yung usapin tungkol dito. Subalit, kailangang mapag-usapan. Kailangan maging mulat sa katotohanan ng mundong ito. Kung sasabak ka sa labanan, kailangan, alam mo kung anong klaseng paligasahan ang sasalihan mo.

 

Dito ako nagpapasalamat sa universe! Kasi pinagtagpo niya kami ni Super Danny. Hindi niya ipinagdamot kahit yung mga sana ay “family secrets” lang ng industriya. Hindi lang siya naging generous sa magaganda at kapaki-pakinabang na mga kaalaman. Naging generous rin siya sa pagbibigay ng “precautions” at “fair warnings” tungkol sa mundong aming gagalawan.

Maraming nabanggit si Super Danny sa amin habang naglelecture siya. Pero ang paulit-ulit na umiikot sa isip ko habang nakikinig ay yung themesong talaga ng BT-X (yung quotes na nasa simula nitong blog.)Nanariwa yung mga pangarap na nabuo dahil sa mga palabas noon. Naipaalala ang mga aral na napulot ko sa mga cartoons at anime. “Patuloy kang mangarap. Maging mabuti. Huwag susuko!” Higit sa lahat, naalala kong masarap maging bata! Payak ang iniisip, mataas mangarap, wala masyadong pakialam sa mga epal sa buhay.

 

At the same time, narealize ko ring matanda na ako.

 

Oras na para isabuhay ang mga aral na natutunan ko sa mga cartoons at anime! Cue in: BT-X OST…

Post a Comment

Previous Post Next Post