Mabuhay ka, Ginoong Mandia!

 Kung ikaw ay tulad ko na isang batang 90's, malamang sa malamang, pamilyar ka sa mga palabas na ito: Magic Knight Rayearth, Peter Pan, Voltes V, Digimon, Heidi, Zenki, Bananas in Pajamas, Meteor Garden, and Love Scar. 

Nostalgic 'di ba? Biglang bumalik sa 'yo ang mga araw na pinilit mong matapos ang mga assignment mo sa school para payagan kang manood ng mga palabas na iyan sa TV. Pati yung mga araw na naglalaro ka habang sinasambit ang mga linya ng paborito mong cartoon character. Isama mo na rin ung mga hapon na nagmadali kang umuwi para maabutan ang Meteor Garden na nagpakilig sa buhay teenager mo.

Pero, bukod sa ang mga ito ang bumuo ng pagkabata mo, alam mo ba kung ano pa ang commonality ng mga palabas na ito? Heto na't sasabihin ko sa 'yo.

Ang mga foreign cartoon and drama series na ito ay naipalabas sa ating mga telebisyon at napanood natin nang nasa wikang Filipino. At ang utak sa pagdi-direk ng mga voice actors dito ay walang iba kundi ang Ama ng Filipino Dubbing na si Ginoong Danny "Ama" Mandia!

Siya ang aming panauhin sa ikatlong araw ng Certified Voice Artist Program Batch 9. Tunay ngang isang karangalan ang marinig at mabigyan ng mga payo ng isang Ginoong Mandia.

Ikinuwento niya ang kanyang mga karanasan sa teatro, sa kanyang pagsisimula sa dubbing, hanggang sa siya ay maging dubbing director ng iba't ibang palabas.

Hindi rin nag-atubiling ilantad ni Ginoong Mandia ang kultura sa mundo ng dubbing. Ayon sa kanyang pagkakalathala, maihahambing ko ang dubbing industry sa isang masukal na gubat na delikado at maaaring maging marahas para sa maliit at baguhang mga kuneho tulad ko. Nakakatakot!

Sa kabila nito, isa sa mga bilin niya para sa mga baguhang voice artists ay ang mahalin, pahalagahan, at pagyamanin ang ating talento at kakayahan. Ito ang magtatawid sa atin sa mapangahas na daan. At hangga't mahal natin ang ating ginagawa, masaya tayo sa paglilinang ng ating kakayahan, at higit sa lahat, wala tayong tinatapakang ibang tao, tayo ay uunlad hindi lamang sa pagiging voice artist, kundi maging sa buhay.

Mabuhay ka, Ginoong Mandia!





Post a Comment

Previous Post Next Post