BomBonVoix00: Ang Simula ng Pagbabago

      “Someone out there needs to hear your voice.” Ito yung linyang tumatak sa isipan ko noong una ko itong narinig mula sa mga coaches namin. Naging parte na ito ng mantra ko sa pang araw araw sapagkat (wow ha) napakalaking tulong ang idinulot nito sa kumpiyansa ko sa aking sarili at sa mental health ko. 




    Day 1 started with a bang sa totoo lang! Imagine umabot yung zoom participants ng 100 o sobra pa nga ee?! Grabee. There was never a dull moment on Day 1 salamat sa mga mahuhusay naming mga hosts na sina Sir Jeff Perey (shoutout pala sayo Sir for accommodating and being so patient with me when I inquired about CVAP through FB), Sir Richard Abalos (shoutout din sayo Sir kase ang cute ninyo po and sobrang aliw ako sa mga impersonations at sense of humor mo!), at kay Miss Winkie Jeanne (shoutout din pala sayo Miss kase you commented on my Introductory video sa group and that means a lot to me. I really appreciate you po!). Also, hindi ko malilimutan yung mga guest speakers nung Day 1. Hayaan ninyo mga beh, ikukuwento ko mamaya isa isa. Chekkahan ko kayo! 


    May ikukumpisal ako, pagdating sa mga online webinars yung attention span ko sobrang ikli. Pagkatapos siguro ng mg 15-30 minutes I will find myself scrolling through my social media accounts na pero when CVAP Day 1 happened I was extremely amaze how my attention span and focus was so intense to the point that up until now I can still vividly remember what happened on that day. I must say na iba talaga ang tama sayo ng isang tao o bagay man yan kapag alam mong gusto mo siya o yung gawain hindi ka talaga magsasawang gawin, pakinggan, o mahalin. Siguro isa sa mga rason bakit sobrang attentive ko noong Day 1 kase nainspire ako ni Miss Marites Valencia Odarbe na isang author ng libro na pinamagatang “Trust His Will”. Nais niyang gawin itong audiobook bago pa raw mawala ang boses niya dahil sa Parkinson’s disease. Sa oras na binanggit niya yun, nararamdaman kong naluluha na ako kase given her difficult situation she still manages to rise above it. Sobrang excited nga ako na maging audiobook na yung libro niya at bibigyan ko talaga ng oras na pakinggan iyon kapag tapos na. Maraming salamat sayo Miss Marites, nabuhayan ako ng loob na pahalagahan ang oras at ang talento na ipinagkaloob sa atin (80st ako pero gusto ko lang gamitin yung linya na yun kase why not? emz). 


    Ikalawang rason bakit ako naging atentibo ng Day 1 kase umiyak ako. Oo, napaiyak ako sa makabagbag damdaming presentation or lecture ni Miss Pau Castillo o ni AiVoice (shawtout sayo po! Sobrang naempower at nainspire mo ako sa talk mo. Napaiyak at napahagulgol ako ng todo todo. Not that I am complaining of kase naipalabas ko yung nabobottled up na emotions ko at para sa huli hindi ako sumabog.) Miss Pau discussed about “voice branding” keypoints at kung paano gumawa o bumuo ng unique naming mga pagkakakilanlan. Dagdag pa, nagturo rin siya paano namin magagamit ang Visual branding to show unity, overall branding, and identity. She also introduced the “Hornet Strategy” na kung saan nilalapatan ng mind and goal setting. To add, pati “Lion Mindset” na kung saan kahit baguhan pa lang kami sa industriya ng VA pero dahil sa mitsa na sinindihan ni Sir Pocholo, it ignited something inside of us. May the spark in us be ready to roar soon daw. Marami siyang naibahagi kung paano namin matuklasan o gawan ng brand yung mga sarili namin at habang ginagawa niya yun binabahagi niya rin yung mga karahasan niya sa buhay bago siya pumasok sa CVAP at paano binago ni CVAP ang buhay niya.
















    Gustong gusto ko yung diniscuss niya yung nature ng CVAP as a family that forwards the culture of giving,loving, sharing, and caring. Na kung saan din mahahanap na hindi pwede ang “pwede na”. Lagit lagi raw na we always aim for excellence and observe the core values ng CVAP na kung saan mayroon itong acronym na V.O.I.C.E.S na nangangahulugan ng Versatility, Optimism, Integrity, Commitment, Excellence, and Self-expression. Pagkatapos ng talk ni Miss Pau ay si Ma’am Nikie Esmero ang sumunod (shoutout din sayo Ma’am napaka approachable mo at gustong gusto ko yung prinsipyo mo sa buhay). 


    Napa uwu rin ako kay Ma’am Nikie kase pinacongratulate niya sa amin ang aming mga sarili dahil pinili namin ang aming sarili at handa na kaming magbago para sa ikabubuti namin. Pala hugot din pala si Ma’am Nikie kase raw yung paghuhugot parte na yan ng kultura ng CVAP. Sunod na naglecture si Sir Pocholo. 


    Naihi pa nga ako sa oras na ipinakilala siya nina Sir Jeffrey at Sir Richard. Aurahan pa lang ni sir Choi grabe pamatay na! Yung dimples niya nagdala ee (shoutout din sayo VoiceMaster maraming salamat dahil sa pagbibigay mo ng oportunidad sa amin uwu). Binati niya kami ng “great day” with matching dance steps. Ang saya nga ee parang nagtitiktok lang kami. Ang pinakanagustuhan ko sa lecture ni Sir Poch ay yung mga quotes niya na mula sa “Pochology” niya. Eto ang iilan sa mga na itake down note ko hehe ; 


“Every gising is a blessing.” 

“Now (No other way o No opportunities wasted) is the only time you own and if you owned it you’ve already won.” 

“Ngayon ay bukas kahapon.” 

“... why should you be afraid of something that is certain like death or tax” 

“There’s no such thing as free lunch but someone paid for it.” 

“Not wasting but investing time.” 

“Use your voice to make positive social change.” 

“Walang taong nagbabago, hindi mo pa lang siya totoong kilala.” 

“I become I believe I am.” 

“You don’t have to be great to start. You just have to start to be great.”

“You need to be you. Just be a better version of yourself.”  

“Don’t be afraid to be bash. You are making an impact.” 


    Yung numero uno niyang rule ay, “ Hindi pera ang dapat mong maging motivation” dahil tiyak na hindi ka tatagal kapag ganun. Mabilis ang burn out pag pera ang goal mo. Natouch ako sa sinabi niya na sa CVAP daw mahalaga ang mga nananatili, mag commit, at maging dedicated. Hindi ko na natake down notes yung iba kase tutok na tutok ako sa kaniya. Nalaman ko na para matutunan ang isang bagay dapat itong gawin. Ang CVAP din daw ay tutulong sa pagbuo ng aking mga prinsipyo, ideya, framework, at konsepto. Madali lang daw i ensayo ang boses sa pamamagitan ng pag kontrol, manage, at pag manipula nito pero yung pagpapanatili at pagkakaroon ng prinsipyo ay mahirap. Maging participative, active, at mag take action lang daw para mas mapabili ang pagkatuto. Para maka graduate raw sa CVAP kahit pangit yung gawa ayos lang basta magsubmit lang. 


    Tinanong din niya kami kung pagkatapos daw ng CVAP ay ano raw ang gagawin namin sa impormasyon na natutunan namin at saan ito maiaapply. As someone na mayroon pang somewhat Filipino accent when speaking in English, it was validating and assuring na mapakinggan mula kay sir Choi na huwag daw kami matakot o mahiyang gamitin ang Filipino accent. Isa pa, ilang beses niya idiniin na ang voice acting ay isang art at mag-isip daw kami bilang isa CVAP member at hindi isang ordinaryong dubber. Sobrang lambot ng puso ko ng sinabi niya na huwag daw kaming maging madamot sa mga kaalaman namin at ishare ito sa iba naming kasamahan kase walang mali sa pagsshare. Pagkatapos ng talk ni Sir Pocholo ay hinati kami sa sampung Break out rooms sa zoom habang nag lalunch. Napunta ako sa Break out room 9 at doon ko nakilala ang mga bago kong kaibigan. 


    Sampong miyembro kami sa BR9 at ang mga taong nakilala ko doon ay sina (shoutout ko kayo isa isa) Donn Reyes, Michael Dy, Ann, Aiza Limaj, Axcel Villarin, Catherine Porciuncula, Elvie Pahid, Emil Zamudio, at Julie. Sina Donn, Miko, Axcel, Emil, Kitkat, at Aizah mga single kaya kung gusto ninyo sila i-mine ano pang hinihintay ninyo? I mine na! Ang na assign sa aming coach ay si Miss Ria or aka Mother Warrior. Mother Warrior yung nickname na ibinigay namin sa kaniya kase yung tawag namin sa group ng BR9 ay Nine United Warriors with Excellent Voices o NUWE-Voice. Gets? Kase BR 9 kami at 9 din kami. Oh, diba witty? Si Emil nagbigay niyan hehe. 



    Yung task namin that afternoon was to share our story sa grupo. Yung mga tanong na dapat naming sagutin ay yung mga sumusunod: 


Who are you? 

What can you do? / What do you do?/ What do you want to do without getting paid? What is your passion? 

Who are the people who need you? 

What do they need from you? 

How will you change their lives? 


    Nagkaroon ng sharing at nauna si Miss Ria. Pagkatapos ni Mother hindi ko na maalala kung sino sumunod. Pagkatapos ako ni Kitkat at napaamin ako sa kanila gumagawa ako ng audioporn at sobrang sarap sa pakiramdam na hindi nila ako hinusgahan. Yung tipong nakinig sila sa akin ng walang pagtuligsa at hinayaan ako nilang maging ako sa mga oras na yun. Naiiyak nga ako habang sinusulat to ee. Nakulangan kami sa oras at medyo mabilisan yung mga sumunod na mga pangyayari. Dahil sa pagtatalak ko siguro ako napili nila na magpresent sa zoom ng mga impormasyon na nakalap namin. Syempre kinabahan ako dahil the pressure is real pero tinatagan ko yung loob ko at idinaan ko na lang sa pagiging energetic, lukaret, at jolly na pagdeliver. As always. Naitawid ko naman ang pagpresent at thankful ako dahil binigyan ako nila ng oportunidad na irepresenta ang group namin. Pagkatapos makapagpresent ang lahat ng grupo ibinigay na nina Sir Jeff at Sir Richard ang mga assignments namin for Day 1. Beh, and konti! As in. Charowt. 

    

    Nais ko lang pala isingit na iniyakan ko yung tatay at nanay ko para pahiramin ako ng pera para pambayad at makasali sa CVAP Batch 9. As in, nagising na lang ako ng Setyembre at nagtaka kung ano nga ba ang pwede kong maiaambag sa bansa o sa lipunan natin. Nakita ko kase ang mga kaklase ko noong high school at akoy nainggit sa kanila dahil may ginagawa sila na mahigit na makakatulong sa kabutihan ng lahat. Hindi ko naiwasang ikumpara ang sarili ko sa kanila at ayon naiyak na lang ako dahil natakot ako sa magiging kinabukasan ko. Naalala ko agad ang CVAP at binisita ko yung FB page neto at nag inquire. Noong March ko pa gusto mag try pero dahil walang budget for it so I just shrugged it off pero ng Setyembre hindi ko na napigilan sarili ko, sabi ko iiyak na lang ako kanina Tatay at Nanay para mapayagan. At mabuti naman at pinayagan ako nilang dalawa. Akalain ninyo binuksan pa namin ng tatay ko ang alkansiya ni Nanay na gawa mula sa kahoy at inisa isa ang mga barya at iniwrap sa scotch tape. Mga humigit kumulang 3k-4k ang naisave ng nanay ko! Grabe , yung dedication at disiplina niya sa pagsasave. 


    Sa kabuuan, marami akong natutunan ng Day 1. Sigurado akong hinding hindi maaalis to sa pusot isipan ko dahil sa pakiramdam na ibinigay ng CVAP sa akin - pagtanggap sa akin bilang  ako at pakikinig sa boses ko. 




Post a Comment

Previous Post Next Post