BomBonVoix00: Ikalawang Yugto ng Pagbabago (Ano ang karakter na kaya mo?)

     Naging co-anchor ako sa RPN DYKB Bacolod ng alas 8 am hanggang 9 am kaya nahuli ako for Day 2. Mga 20-30 minutes lang naman! Yung hosts ay sina Miss Christa, Sir Jeff, at Sir Richard. Shoutout kay Miss Christa dahil inspiring yung love story at ang cute ng boses niya hehe. 


    Yung nag lecture that morning ay si Sir Joshua Anthony Simeon (shoutout sayo sir dahil you are so approachable ng nagask ako ng question sa messenger na kung paano ba tatanggalin ang audio ng isang video at palitan ito ng sa akin) at patungkol sa topic na “How to be an Effective Voice Artist” ang lecture niya. Bago siya naglecture pinakita niya muna sa amin ang mga projects and companies na kinuha siya para mag voice over. Mga kilalang kompanya tulad ng NLEX, Promate Generators, Yondu, Ph Care Info, J&T Express at marami pang iba ang kumuha sa kaniya. Grabe, sobrang galing! 





    Kaya ako nakapagtanong sa kaniya through Messenger dahil sabi niya maging RiteMed daw kami- huwag mahiyang magtanong. Kaya ayon, I plucked up all my courage and asked him hehe. Nagdagdag din siya ng mga dapat gawin para may better chance na makuha sa mga voice over projects tulad ng pagsali sa CVAP, maging alerto lang palagi sa pagsali sa mga audition, i expose ang craft sa internet, dapat walang background noise as much as possible, isave at i review ang mga past voice over recordings para macheck kung may improvement. 


    Naging mas hopeful ako ng sinabi niya na kung nagawa niya ito, magagawa at kaya rin namin. 

Tsaka dapat na alagaan namin ang aming mga sarili by loving ourselves first and taking ourselves seriously. Bago siya nagtapos, maraming katanungang ang ibinato sa kaniya tulad ng kung anong mic ba gamit niya, sino ang mga idolo niya sa mga voice actors, kung single pa nga ba siya lol, at marami pang iba. Nakakaantig ng puso dahil makikita mo sa ugali ni Sir Josh na willing talaga siyang magshare ng knowledge and skills niya at magshare sa ibang tao. Saludo sayo sir Josh!  Pagkatapos niyang magsalita ay si Sir Pocholo naman. 


    Syempre, as always binati kami ni Sir Choi ng “great day” with matching dance steps. At lagit lagi nakatutok na naman ako sa mga motivational words niya. I live for his motivational speeches like becoming a better version of ourselves should be one of our goals. We are storytellers daw and we are a creation of stories. Muli niya rin kaming pinaalala na ang widely used platform na ngayon is online na kung saan mas mabigat at mas malupit ang mga kritisismo at kumpetisyon. May mga tinatawag na “lone wolves” out there raw na papatay sa amin kaya dapat sama sama kami sa pack at no one should be left behind. Sinabi niya rin sa amin na pagbutihin ninyo lang yung mga sarili ninyo at susunod ang pera. Napunta kami pagkatapos sa teknikalidad na aspeto ng VA na kung saan kapag isang ganap na VA artist ka na papakialaman talaga ng producer, client, at writer ang bawat salita na lumalabas sa bunganga mo. Intonation, delivery, cadence - lahat ng ito bantay sarado. 


    Para mas mapalinang namin ang aming boses tinuruan kami ni Sir Choi ng mga teknik. Dahil dumating na yung libro na “Gusto kong maging Voice artist” ng week na to, I was able to read beforehand tungkol sa kung paano madevelop pa ang boses kaya hindi na mahirap para sa akin ang sumunod sa lecture ni sir. May mga linya na naman siyang binitawan na sobrang na inspire ako tulad ng, 


“Voice acting is the art of becoming.” 

“Your voice is not just a gift, it is a choice. “ 


    Naishare niya rin na when it comes to voice over daw dapat hindi lapat tinig na kung saan nilalagyan lang ng tunog dapat daw bigay buhay. Nakapag discuss din ng ibang concepts si sir Choi pero hindi natapos dahil mag aalas dose na at kailangan ng mag lunch. Bago kami pinalunch, sinabihan kami na i lelecture ulit nila sir Jeff and sir Richard ang mga concepts. 


    Bago nagstart ang lecture mayroong interview portion muna sa aming mga participants. Para hindi matawag nila sir Jeff at Sir Richard kinakailangang naka on yung camera mo. Sorry na lang sa mga naka off yung cam nila kaya sila napili. Mga 3-5 na participants ang ma iinterbyu at may mga series of questions sila ni sir na tinatanong at dapat sagutin. Binibining Pilipinas lang ang peg? Pagkatapos ng interview portion balik kami sa lecture. Mas luminaw sa akin ang mga concepts gaya ng voice variety, believability, and various elements of our voice among others.



    Si Sir Jeff naman ang nagtalakay tungkol sa mga paraan kung paano mapangalagaan ang boses namin. Natamaan ako ng ilang beses dahil ginagawa ko ang mga bawal tulad ng pagkain ng mga matatamis at maanghang na tiyak na makakasira ng aming vocal chords. I will try my best to avoid these kinds of food as much as possible. Si Ma’am Nikie naman ang nagtalakay sa iba’t ibang klase ng voice artists na kung saan may dalawang klase; voice over at character voice. Nagbigay ng mga halimbawa si Ma’am Nikie ng ibat ibang avenues kung saan matatagpuan ang dalawang klaseng voice artists. Napag usapan at tinalakay din kung gaano ka importante ang niche at paano ito mahahanap. Sabi ni Ma’am Nikie mas mainam na mag pokus sa isang klase ng voice over para mas mahanas daw ang aming kakayahan pero napaisip ako kung kaya ko naman ang dalawa (AYIIIIIIE THATS THE SPIRIT)  pwede bang pasukin ko na lang yung dalawa? Marami pala kami (mga tatlo) ang napatanong kung pwede dalawang klase ang pasukin namin sabi ni Ma’am Nikie sobrang okay as long as magaling ka sa dalawa. O siya, challenge accepted Ma;am Nikie ehehe. 


    Bago magtapos ang Day 2 nagkaroon ng presentation from 3 representatives each group. Shinowcase nila kung sino sila, ano ang kanilang past, present, tsaka future. Pwedeng gumamit ng character voices sabi nila Si Jeff and Sir Richard. Sa BR 9, sina Miko, Donn, at Kitkat ang nag present. Mga 10-15 minutos pa yung turuan namin kung sino ang magrerepresent sa amin. Pagkatapos ng presentation ay ibinigay na ang Day 2 assignments at as always sobrang onti! Charowt I love it ! Kase maiaapply namin ang mga concepts and ideas na na idiscuss nila Sir Choi, Sir Jeff, Sir Richard, and Ma’am Nikie. 


Post a Comment

Previous Post Next Post