BomBonVoix00: Kasukdulan ng Pagbabago (Day 3)

    Nakatulog ako sa mga naunang oras ng day na to dahil nilagnat ako pagkatapos kong magpa vaccine ng AstraZeneca. Tumama sa 38.5 yung lagnat ko kaya hindi ako nakapag co-anchor sa RPN tsaka nakatulog ako dahil sa pagod at bigat ng katawan ko. Pero nakagising ako nung nagsalita si Sir Choi at si Sir Danny Mandia. Nagagalak din kami sa guest host na si Miss Lara Cruz from batch 8. Bago kami magsimula ng lecture, pumili sila Miss Lara ng pwede mainterbyuhi kase gaganti raw si Miss Lara sa amin dahil ganoon din yung ginawa sa kanila HAHAHAH. 

 

    Yung speaker naman is sir Harlem Jude Feroline aka Papa Lem and Voice Papi. Naaaliw ako sa kaniya dahil sa mga mashup songs niya tulad ng, “Every breath you take…. na lumilipad ay mahal ng Diyos , hindi kumukupas.” Nainspire ako sa sinabi niyang,” With pureness in my heart I will use my skills and talents to make people greater and happy with greatness and excellence.” Nagbigay din si Papa Lem ng ilang tips na we should be present, or be out there lang and expose your craft to the internet. Mas mainam na mag engage or interact with our audience raw gaya ng paglagay nito sa mga profile namin at pag comment or like para maup. Pagkatapos ng informative at entertaining talk ni Papa Lem ay sumunod si Ma’am Nikie. 


    Si Ma’am Nikie ay ang Program Director o ang utak sa likod ng CVAP at sa puntong yon ay pinaalala niya kami na sa unang session ay patungkol sa pagtitiwala sa aming sarili at sa pag realize ng aming potensiyal. Magpatuloy lang daw kami sa pagtitiwala sa aming mga sarili at lagi naming tandaan na ang aming boses ay hindi lang naninilbihan para sa aming mga sarili kundi pati na rin sa ibang tao upang ang mundo natin ay mas mapabuti. Dagdag pa niya na ang voice acting ay isang sining na kung saan ginagawa namin ito dahil gusto namin at ito ang aming pamamaraan sa paghayag ng aming sarili at mga saloobin. Sunod na naglecture ay si Sir Choi at tinanong niya kami kung may nagbago ba sa amin pagkatapos ng dalawang Sabado sa CVAP.


    Naantig yung puso ko na sinabi niya sa amin na pinapanood niya pala yung mga vlogs namin at mayroon pa nga siyang tinawag na isang kasamahan namin na si Marinel Osman. Maski si Marinel ay nagulat dahil pinanood ni Sir Choi yung vlog niya. Pinapanood daw ni Sir Choi yung mga vlogs namin dahil gusto niya panoorin o makita kung mas magaling na kami. Upang mas gumaling daw ay kailangan naming mag ensayo lagi at makipag usap dahil hindi nagtatapos ang training namin sa CVAP. Sa halip, nagsisimula pa lamang ang aming paglalakbay pagkatapos naming gumradweyt sa programa. At kung may mga oportunidad man na dumating ay wag kaming mag atubili at kunin ito kaagad as long as hindi kami magpaabuso. Para sa group activity namin, mag isip daw kami kung anong problema ang gusto naming solusyonan bilang mga heroes at kung paano raw namin ito masosolusyunan ng aking mga kasama. 


    Bago pa man kami pinakawalan ng hapon ay nagpulong na kami kung ano yung gagawin namin para sa ZoomArte. Tinukoy muna namin kung anong mga superpowers ang gusto namin at nag isip ng problema na gusto naming masolusyonan. Dahil ang sakit na sa ulo mag isip, hinalo halo na lang namin ang lahat ng kasakiman at kasamaan dito sa Earth AHHAAH. Ako at si Axcel ang gumawa ng iskrip at proud ako dahil nahanas at nagamit ko ang isa sa mga skillset ko. Nakakatuwa rin marinig ang mga gawa ng aking mga beh at lodi mula sa ibat ibang BR rooms (Shawtout kay Aaron, Remyx, Angelo galing ninyo ang lupet!).


ps Kung nabasa ninyo yung dalawang nauna kong blogs mas maikli to kase ang sama ng pakiramdam ko ng Day na to uwu HAHAHAHA abangan ninyo yung Day 4 babawi ako. Isang nobela yung mababasa ninyo charowt!


Post a Comment

Previous Post Next Post