Day 3 in Certified Voice Artist Program

 September 18, 2021


Isang araw na mag uli upang magsimula ang klase sa CVAP panibagong leksyon na naman ang siyang matututunan. Medyo patanghali na ako nagising, napuyat kasi may pasok kami. But anyways gaya ng dati marami ka na namang matututunan ngayong araw na to. Pagpasok namin sa zoom ay nag intay pa kami ng ilang minuto, waring iniipon pa ang mga kasama  namin, sa katunayan nga nan ay 3 sa aking  ang hindi makakadalo sa araw na yon.sa kadahilanan na rin siguro na may ginagawa sila o di kaya namay may importanteng gagawin.  


Gaya ng dati sinalubong kami nila Sir Rich,  Sir jeff at ng kanilang isa pang co-host ng isang magandang umaga. Nakakatuwa talaga ang enerhiya nila, hindi nakakasawang pakinggan. Bago ay magsimula ay kinamusta muna ulit kami nila. Tinatanong kung kamusta naman daw ang mga assignments. Ng matapos nga ang kumustahan ay dumako na agad kami kay papa lem na siyang aming speaker. Gaya nga ng nabanggit o nababanggit ng ibang voice over artist ang sinasabi ni papa lem. Waring nais mag bigay ng inspirasyon sa katulad naming baguhan sa industrityang to. Ayon sa kanya hindi mahalaga kung mag sisimula ka sa maliit, lahat tayo ay nagsisismula sa mahina, dahil unti unti nating matututunan pa ang ating kalakasan sa hinaharap. Hindi mo rin kailangan ng magarbong kagamitan kailangan mo lamang ay lakas ng loob at kumpiyansa sa sarili. Tunay ngang nakatutulong ang  mga sinabi ni papa lem sapagkat nagbibigay ito ng mga katagang siyang babaunin mo kailan man.


Bandang alas 11 na ng nakapasok s ameeting si sir choi, nagbigay muli siya ng payo sa amin. Ayon sa kanya "along the way you have to learn more skills." May mga bagay kasi tayo na hindi pa natutunan na maari nating matutunan kapag nag pursigi tayo. Tinuruan niya din kami kung paano nga ba ang tamang pag pra-practice at kung paano pa mas ma eenhance ang aming talento.


Kinahapunan hindi ako nakapunta sapagkat ako ay may importanteng pinuntahan. Hindi ako nakaattend ngunit subalit datapwat ay naabutan ko si MR. Danny Mandia. Makatapos non ay napanood ko na lamang na mayroong zoom arteng naganap sa aking mga ka member, doon ay ipinamalas nila ang kanilang talento. Ngunit nakakalungkot lang na hindi ako nakasali, gayunpaman nakaka bilib sila sapagkat naisapresinta nila ng maayos ang aktibidad. Yun na nga, yun ang nangyari sa ikatlong linggo ng CVAP, di man ako naka attend pero atleast napanood ko at kahit papaano ay may natutunan ako mula sa kanila. 

 

Post a Comment

Previous Post Next Post