Day 2 in CVAP

 Ikalawang yugto: 

September 12, 2021


Isang productive na araw ngayong sabado, nakaka excite muling matuto ng mga leksyon na siyang ituturo. Nagsimula ang klase bandang mga 9:30, nakakatuwa kasi may panibago kaming makaksama sa plenary hall, si ma'am christa. Nakakatuwa kasi napaka bibo nilang mag host. Sa unang part ng program agad na nagsalita si sir josh, doon ay ishinare niya yung mga experienced niya, tinuruan niya kami na alagaan ang aming boses, at siyempre tinuruan niya rin kami kung paano maniwala sa aming sarili. Nakaka inspired lang kasi kung titignan mo nagsimula lang din siya sa wala na katulad namin, walang experienced sa mga voice over tapos bigla nalang dumami ang projects. Nakaka inspired kasi napaka determinado niya sa goal niya, siya yung tipong hindi susuko hanggang hindi niya napapatunayan ang sarili niya, binigyan niya rin kami ng tips sa pag vo-voice over isang halimbawa nalang nito ay yung ritemed, bilang isang voiceover artist, hindi mo kailangan ng hiya dahil ayon sa kanya gaya ng ritemed, hindi dapat tayo nahihiyang magtanong. Matapos ang isang makabuluhang usapan, agad na nagtanong ang aming mga kapwa ka boses, dahil sa klarong boses ni sir josh, tinanong na rin ng aking mga kaboses kung ano nga bang mikropono ang kanyang ginagamit, dun na namin napag alamanan na sadyang napakamahal ng mga equipment na ginagamit niya pero as they say, kakayanin bastat mag tiwala sa iyong sarili.


Matapos ang makabuluhang usapan, agad ngang pumasok sa plenary hall ang nagiisang Ms.Nikie Esmero. Nakakatuwa kasi nagkaron ng konting chikahan between ma'am christa and ms.nikie, dun nai share nila ang lovelife ng isat isa, binigyan nila kami ng isang kataga na nag sasabing learn to love yourself before other loves you. O diba  nakakatuwa lang, hindi mo aakalain na kwela din pala si Ms.Nikie pag dating sa mga ganong bagay. Sumunod kay MS.nikie ay si sir choi. Nakakatuwa dahil everytime na paapsok siya sa hall eh laging meron munang mga pampagising. Anyways, ang tinuro sa min ni sir choi that time ang ibat ibang elements ng voice acting, from pitch, to range, hanggang tone. Talagang nakakaengganyo mag turo si sir dahil everytime mag tuturo siya lagi siyang nag iiwan ng mga W.O.W o words of wisdom. ,Lagi niya kaming pinapaalahanan na hindi masama magyabang kung alam mong itoy nakakabuti naman at matuto kang tumalima, o ibahagi at magturo ng iyong natutunan dahil hindi masama at higit na mas nakakatuwa kung tiyak na tutulong ka sa iba. Sa Cvap mararamdaman mo talgang pamilya kayo, mararamdaman mong hindi ka nag iisa dahil may pamilya ka. At isang kataga nga ni sir choi ang tumatak sa akin. "There's no such thing as free, because at the end of the day someone paid for it".


Kinahapunan nagkaron muli kami ng lesson, ni recap ni sir richard ang mga leksyon na kaninang tinuro ni sir choi, don ay higit na mas naintindihan namin dahil tunay ngang nakaka aliw everytime magbibigay siya ng mga linya. Sa Cvap masasabi mong hindi ka mababagot kasi every week/session may matutunan ka. Sumunod naman s Ms.Nikie tinuruan niya kami tungkol naman sa niche. Don ay natutunan din namin na pursue your career walang mawawala kung susubukan mo. Audition lang ng audition, trust yourself and promise at the end of the day magpapasalamat ka na hindi ka nagkamali sa pinili mo. After Ms.Nikie sir jeff perey gave us some tips on how to care your voice, nakaka kaba at the same time kailangan maging disiplinado, grabe ang daming bawal but still sabi nga diba kailangan mong maging disiplinado para sa bagay na gusto mo. Matapos nga ang programa ay agad na din nagbigay ng assignment sila Ms.Nikkie. medyo kakaunti na ngayon unlike nung first week hehehe. And ayun na nga natapos na ang program again likewise selfie with sir choi, tapos pag katapos non eh nag stay muna kmai for a little bit longer, sir choi gave us account sa krisp, yung noice cancellation kapag may call, nakakatuwa talaga mapapunta sa magandang kamay. And after that sir choi invited nga us sa GMM or General Monthly Meeting for later, and that's it nakaka enjoy ang every moment with CVAP tunay na tatatak sa buhay ng bawat isa.


Well again it's me JolliVoice nagiiwan sa inyo ng isang katagang Hanggang may boses may pag-asa. See you next week. 

Post a Comment

Previous Post Next Post