Nakakatuwa at isang pribilehiyo ang mapakinggang mag salita ang isang Danny Mandia sa iyong harap. Nakakatuwa na ang isang katulad niya ay nagbibigay sa amin ng inspirasyon. Natutunan ko pamula sa kanya na kapag may opurtunidad, huwag na mag dalawang isip na kunin. Walang mawawala kung susubukan ika nga you only live once. Kayat dapat gamitin natin ito ng may kabuluhan at walang opurtunidad na sinasayang. Huwag na nating isipin ang kaba, dahil ayan na nga ibinibigay na sayo ang oppurtunity ikaw nalang ang tatanggap. Napaka hirap naman kung kailan wala na sayo ang opurtunidad saka mo pagsisisihan diba? Kayat hanggang nariyan ang opurtunidad huwag na nating sayangin pa, bagkos ay kunin at isapuso natin.
Natutunan ko din na kasama na ang pang tra-traydor sa mundo ng voice over industry. Kung akala mo na ang isang tao ay totoo, kailangan mong alamin pa ito. May mga taong naninira kapag may nagbubukas sa iyo ng opurtunidad. Kayat dapat lamang na palagi tayong mulat sa nangyayari sa atin. Natutunan ko din na magbahagi ng nalalaman sa iba. Kapag tinulungan ka huwag mo ring kalilimutang tumulong sa iba dahil hindi mo maikokonsidera ang iyong sarili bilang isang matagumpay na tayo kung hindi ka marunong tumulong sa iba. Gaya lamang ito ng isang pagkain, kung hindi mo hahatian ang iba, ikaw lang ang mabubusog, kung hahatian mo naman ang iba tiyak na kayong lahat ay mabubusog at may laman ang sikmura. Natutunan ko din na kapag tumutulong huwag manghingi ng kapolit. Always Remember "Sharing is caring".
Sa pagiging Voice over artist kailangan mo ding tanggapin ang kritisismo, sapagkat ito ang huhulma sa iyo upang mas mahasa pa ang iyong galing. Walang bagay na nakukuha ng ganon lamang ka dali and lahat ng bagay ay utay utay na nakukuha at isa na to sa mga bagay na iyong tatahakin bago marating ang tagumpay.
Tunay na kawili wili si MR.Mandia marami kaming natutunan sa kanya. At ang mga tinuro niyang ito ay siya naming dadalhin sa hinaharap, at ibabahagi sa mga kabataang gaya ko na nais mag pursige sa karerang ito. Salamat CVAP dahil isa kayo sa nagiging gabay ko upang tahakin ang karerang ito. Kung nooy wala sa akin ang ganitong mga aktibidades, ngayon ay unti unti na itong nagkakaroon ng silbi sa akin.