Unang Kabanata
Setyembre 4, 2021
Isang normal na araw para sa iba ngunit sa akin ay isang araw na puno ng kaba at saya, bakit nga ba? Araw na para ipamalas ang kanya-kanyang talento sa pag sasalita. Kinakabahan pero sa kabilang banda ay hindi na makapag intay. Alas 7:30 ng umaga ng imulat ko ang aking mga mata, senyales na kailangan ng maghanda para sa nalalapit na klase sa isang programang kung tawagin ay "Certified Voice Artist Program" hindi magkanda ugaga ang aking sarili, hindi alam kung ano ang uunahin. Agad kong binati ang kapwa ko mga ka boses ng isang maganda at mapagpalang araw. Alas 8:40 ng umaga ihinanda ko na ang mga kakailanganin ko, ng sagayon ay hindi na gagaholin pa oras na magsimula ang klase. Alas 9:00 ng umaga ng ibinigay ang link para sa programa. Agad-agad akong pumunta sa aplikasyon at siyang naghintay para sa ibang mga kasama. Makalipas ang labinlimang minuto ay nagsimula na rin ang programa. Sa unang bahagi ng programa ay sinalubong agad kami ng aming tagapayo ng isang magandang umaga, kasabay nito ang pagpapakilala sa aming mga sarili. Puno ng kaba ang lahat hindi mapakali at para bang dinadaluyong ng hindi mo malamang insekto sa loob ng tiyan. Namamawis ng malamig nananalangin na hindi mabanggit ang aking ngalan. Hanggang sa nagsimula na nga ang nasabing programa. Ibat-ibang panauhin ang siyang nag salita at nagbigay ng kaunting leksyon isa na rito si Binibining Pau Castillo, o mas kilala sa taguring "AIVoice". Sa kanyang pananalita madadama mo ang inspirasyon na magpatuloy. Sumunod naman ang nag iisa at wala ng iba pa si Mr. Pocholo De leon Gonzales o "Sir Choi" kung tawagin. Sadyang kahanga hanga ang kanilang mga nabanggit tunay na makatutulong para sa aming mga baguhan sa industriya ng voiceover.
![]() |
Unang Linggo sa CVAP |
Ng matapos ang umaga, kinahapunan ay igrinupo kami ng aming tagapayo na si sir rich. Isa isa kaming binigyan ng mga silid na kung tawagin ay "Breakout rooms" at siyang nagbigay rin ng mga kaakibat na tanong hingil sa aming pagkakakilanlan. Nakakatawa at nakakakaba sapagkat ako ang nagsilbing katulong na pinuno, hindi naman ako kagalingan.Pero mabuti na lang at naisa presenta namin ang aming presentasyon ng malinis at malinaw. Makatapos ang pagpapakilala, nagbigay ng mga takdang aralin ang mga guro upang mahasa ang aming galing sa nasabing larangan. Marami man ngunit tiyak na kakayanin para sa pangarap. At makatapos nga non ay nagpaalam na rin kami upang makapag pahinga. Hayst tunay ngang nakakaengganyo ang buong araw na ito, leksyon at aral na siyang maaring mong dalhin sa mga darating pang araw. Salamat sa opurtunidad na ito CVAP ( Certified Voice Artist Program) titiyakin kong lahat ng aking matututunan ay siyang dadalhin sa hinaharap.
Hindi ko na para pahabain pa. Ito ang aking unang kabanata, hanggang sa susunod na linggo muli. This is JolliVoice now Signing On.