Yoooooow!!! Hello, mg aka-Jammers!!!
AMBILIS NG ARAAAAAAAW!!!
Bago dumating ang pagkakataong ito, ilang beses kong inisip na hindi naman ako magkakasepanx. Ika-apat na araw pa lang naman simula nung una kong makilala itong mga kwela ngunit mahuhusay kong Voicemates. Pero, katulad nung unang araw, AKALA KO LANG PALA YUN.
Mamaya na tayo sa dramahan. Back to regular program muna tayo mga ka-Jammers!!!
Edi ayun na nga. Hindi katulad ng regular school, na kapag last day of classes ay chillax mode na lang, marami pa ring paandar ngayon araw na ito. At dahil maraming paandar, siyempre, arangkada pa rin kaming mga magkakaVoicemates.
Ano nga napag-usapan namin sa klase?
Nung umaga, ang daming kapana-panabik na mga info ang binaba sa amin—the opportunities awaiting us after graduation, the challenges that we may face, and of course, the joy of this new adventure for all of us Batch9. Masaya akong pinush ko up until this point ang CVAP Journey ko. (Of course, I am going to push further.)
Habang tumatakbo ang oras, mas ramdam ko na yung katapusan ng CVAP. Mas ramdam ko na yung nagbabadyang sepanx. Habang nakikinig ako sa discussion, iniisip ko, “kaya ko pa kaya talagang ituloy ito? Para sa akin ba talaga ito?” Pero, tulad nga ng sinabi ko kanina, I’m gonna push further and farther. Ang lakas ng support system dito eh. Kung paano ko naconfirm, ganito… first time kong magstay nang matagal after ng class. Kadalasan kasi tumatakbo na ako para sa Misa. However, this time, I had the chance to stay longer; maaga kasi natapos ang klase. Anyway, sa after class sesh, doon ko nakita na kahit nagpapagalingan kami sa klase (oo, kailangang magpagalingan) nasa bawat isa pa rin yung pilosopiyang “pamilya ko ito, kung aangat ako, dapat kasama ko sila.” ‘Di ko mapaliwanag kung paano ko yun nakita, but when you see it, you see it.
Balik tayo sa klase.
After ng morning sesh, ayun na, Pochology segment na. Actually, halos paulit-ulit lang din naman yung sinasabi ni Sir Choi. Pero don’t get me wrong. Kasi dito ko napatunayan na kapag paulit-ulit mong naririnig yung wisdom, mas nai-inculcate sa isip at puso mo yung lesson. Mas napapalawak nito yung perspective mo sa buhay. Every single time na maririnig mo yung bits of wisdom, may bagong knowledge na nabubuo sa isip mo. Galling, ‘di ba? (Kaya yung mga lolo at lola, nanay at tatay ninyo, kahit paulit-ulit sila sa pangaral, pakinggan niyo pa rin. Ienjoy ninyo habang naririnig pa ninyo. Dahil time will come, you have to recite those knowledge to yourself. You have to get along in life all by yourself, without apparent assistance.)
Naglunch, naligo… (oo, tanghali na ako naligo. Late na naman ako nagising. So, pagbangon, boot ng laptop, connect sa internet, open ng Zoom link, tapos smile na sa camera. Sabak sa klase nang walang ligo-ligo. Wala naming makakaamoy sa akin. Besides, mukha naman akong fresh kahit bagong gising. Hahaha.)
Afternoon sesh. Challenging. Group task, live dubbing. Nasubok na naman ang creativity ng bawat isa. Pagalingan, pahusayan, but as always, with a heart. Nakakatuwa lang talaga kasi kahit alam mong may paligsahan, hindi nawawala yung tawanan at saka yung totoong saya. Sa mga ganitong pagkakataon ko napapatunayan na pwede naman pala talagang maging masaya para sa iba kahit hindi ikaw ang pinakamagaling. Ito ay nagiging mas madali kung ituturing mong kapamilya ang mga nakapaligid sa’yo.
At natapos ang araw. Natapos ang last day ng CVAP.
Perooooooooo… Classic CVAP Training, never ending assignments. Salamat at may assignments pa rin. Balikan ninyo sa Day 3 kung bakit ako nagpapasalamat sa assignments.
Tapos na ba talaga? Graduation na ba talaga? Yehey!!! Pero sa totoo lang, sana hindi pa. Kung bakit ayaw kong matapos itong CVAP, eh, sino ba’ng may gusting matapos ang isang napakagandang yugto sa buhay?
Pero, salamat ulit dahil tapos na. Ibig sabihin kasi, bubuklatin na ang libro sa bagong pahina. Bagong kabanata. Bagong mga kwento. Mababawasan na ng isang letra yung apat na letrang bumubuhay sa limang nakalipas na blogs—C-V-A-P.
Magiging C-V-A na ako. Certified Voice Artist. Astig, ‘di ba?
UwU***UwU***UwU
Ano kaya’ng magiging CVA Number ko? Abangan.