Great day voicemates! Isang napakainspiring na session yung naganap sa ating day 3. Sinimulan ito ng aming guest speaker na si VoicePappy o Papalem sa pamamagitan ng pagkwento tungkol kung paano siya nakapasok ng CVAP. Sobrang bilib ako kay Papalem dahil sa naging mindset niya sa pagkakataong yaon nang siya ay sumubok na mapabilang sa CVAP. On the get go, tinanggap niya agad ang ibinigay sa kanya na role ng The VoiceMaster na siya ang mamuno sa VOTY community ng Gensan. Kahit hindi pa siya gaano kapamilyar sa naturang programa, gamit lamang ang kanyang lakas ng loob at tiwala sa sarili ay malugod niyang tinanggap ang naturang opportunidad. Ika nga niya, "Availability is the best ability". Kahit hindi ka pa bihasa sa anumang bagay, basta't sisiguraduhin mo lamang na ikaw ay may oras para pagtuunan ito ng pansin ay siguradong makakamit mo ang nais mo.
Sinundan ito ng isa na namang Pochology session. Ang mga tumatak naman sa akin sa araw na iyon ay ang sabi ni VM na, "You are limiting yourself by claiming that you are an introvert (non-verbatim) ". Sobrang tagos ito sa aking puso lalo na't itinuturing ko ang aking sarili na isang introvert at marami ng opportunidad ang nasayang dahil sa palagi kong sinasabi na, "hindi ko hilig yan o hindi ko kaya yan dahil introvert ako". Dito ko narealize na imbes na ituring ko ang pagiging introvert na isang katangian ay ginagawa ko itong rason para hindi gawin ang isang bagay o kaya ay para majustify sa paningin ng ibang tao ang mga bagay na hindi ko kayang gawin. Isa ito sa mga bagay na kailangan kung baguhin sa aking sarili ngunit ang mahalaga doon ay naumpisahan ko ng mapagtanto ang maling perspektibo ko sa bagay na ito.
Naging highlight ng Day 3 ang naging CVAP-Talk ni sir Danny "Ama" Mandia. Pakibasa na lamang ang isa pa nating Blog dito para sa aking reaksyon.( Dubbest Achievement Is Making People Dubbest - The VoiceBaqs)
Of course hindi nagtapos ang araw ng walang activity. Gumawa kami ng isang presentasyon na tinawag na Zoomarte kung saan kailangan naming ituring ang aming mga sarili na may kapangyarihan at kung anong problema ang nais naming masolusyunan gamit ito. Sa naturang activity ay napagpasyahan namin na hindi gawing literal ang pagiging superhero. Pinili namin na magkaroon ng iisang katauhan bilang isang grupo at binigyang diin naman ang problemang dinaranas ng mga kabataan ngayon pagdating sa edukasyon at paano magamit ang boses ng kabataan para iparating ang hinaing nila sa mga nakakataas sa kanila.
Hanggang dito na lang muna voicemates! See you on my next blog!
https://youtu.be/KDcdWkK0hRM - VLOG