CVAP BATCH 9 DAY 1 - SHARING THE LION MINDSET


    Great day Voicemates! Grabe sobrang saya nung Day 1. First meeting pa lang pero meron na agad akong masasabing nag-improve sa aking sarili.

The Voicemaster is really a great motivational speaker. On that day, nagsimula ako na sobrang kabado at grabe yong self-doubt kung makakasabay ba ako sa mga kasamahan ko. Pero nung magsimula ng magsalita si Mr. Pocholo, unti-unting tumaas ang kumpyansa ko sa aking sarili. Doon ko napagtanto ang kahalagahan ng pagkakaroon ng "Lion mindset", ang kahalagahan ng paniniwala sa sariling kakayahan at ang pagkakaroon ng tibay ng loob upang huwag magpadala sa mga negatibong bagay na natatanggap natin sa ibang tao.

Bilang isang tao na lumaking conscious sa kung ano man ang opinyon ng mga tao tungkol sa akin, naging limitado ang aking mga galaw and most of the time I'm afraid of trying, for the reason that if I fail, people will surely ridicule me. Hindi man gaano kalaki 'yong impact ng mga salitang, "Magkaiba ang mayabang sa mapagmalaki." para sa iba, para sa akin ito ay isang bagay na tumatak sa aking puso't isipan. Sa pagkakarinig ng mga salitang ito, narealize ko na, oo nga, sa pagkukuwento tungkol sa iyong sarili hindi mo talaga maiiwasan na masabi ang yong mga achievements at ito ay hindi masama. Magiging masasama lamang ito kung sasabihin mo ito upang ipamukha sa ibang tao kung gaano ka nakakaangat sa kanila. Isa ito sa mga tumatak sa akin dahil isa sa mga rason kaya hindi ako masyadong expressive tungkol sa aking sarili dahil ayaw ko na masabihan ako ng mayabang. With this in mind, marahil ay unti-unti na rin akong makakapag-open up sa ibang tao.

The most important thing I learned from Day 1 is the essence of what CVAP is always saying, that "Someone out there needs to hear your voice." Sa mga nangyaring activities at talks that day, ang pinakanapansin ko ay lahat ng kasali doon sa session na yon ay iba't-ibang klase ng tao ngunit kami ay pinagbuklod hindi lamanng para matuto kung paano gamitin ang aming boses, kundi pati na rin kung paano gamitin ang aming boses para makatulong at maging inspirasyon sa ibang tao. 

Isa sa mga laging naririnig ko kay sir Pocholo ay ang salitang "sharing". Bilang isa sa mga haligi ng VA industry siya lamang ang nagpursige upang magkaroon ng paraan para maibahagi ang kanyang kaalaman sa pagiging Voice Artist sa amin na nangangarap din makapasok sa industriya. At sa pagkapanood ko sa dokumentaryong ginawa para sa kanya, doon ko narealize na siguro kaya gusto ni sir Pocholo na tayong lahat ay magshare sa isa't-isa dahil isa sa kanyang mga ambisyon ang siguraduhin na, "The next generation will be better than the current generation."

 










































































Post a Comment

Previous Post Next Post