Heto na. Nandito na nga tayo sa huling linggo ng CVAP (Certified Voice Artist Program). Magkahalong saya at lungkot ang bumalot sa buong batch 9. Masaya dahil sa wakas nairaos namin ang isang buwan! Malungkot naman dahil magkakahiwa-hiwalay na kami. Separation anxiety lang ang lagay. Pero alam naman naming lahat na magkakasama-sama pa rin kami virtually. At dito pa lang talaga magsisimula ang journey namin bilang mga voice artists. Simula ng pasukin ng bawat isa samin ang CVAP ay naging part na rin kami ng pamilyang ito. A family that shares, gives, loves and cares.
This week, tinalakay ang kahalagahan ng tongue twisters. Malaki ang maitutulong nito para masanay ang dila ng isang voice artist. Minsan kasi may mga projects na challenging. Yun bang kailangan mabilis, o kaya naman ay may mga salitang mahirap bigkasin. Actually kasama sa assignments namin yan last week.
Ang guest speaker namin this week ay si Ms. Lyn Gonzales, ang voice caster ng CreatiVoices. Tinalakay nya ang mga choices na pwede naming pagpilian pagkatapos ng program na to. Kung mananatili kami sa pamilyang to ay marami kaming opportunities na matatanggap in the future. Pero syempre mahigpit ang screening process na kailangang pagdaanan para makapasok sa GC, kung saan doon binibigay ang mga prospective projects. Excited na kong sumali at hopefully matanggap dito. Ang di ko makakalimutan sa lahat ng sinabi ni Ms. Lyn ay, “Talent will get you in the door, but character will keep you in the room”.
Pagdating naman ng hapon ay si Ms. Nikie Esmero, ang Executive Program Director ng CVAP ang nagsalita. Tinalakay nya ang kahalagahan ng branding. Kailangan nga naman na yung brand name at logo mo ay mismong nagpapakilala sayo. Kasi yan ang maaalala sayo ng mga tao. Sabi nga ni Mr. Choi, “Bilang mga voice artists, hindi tayo nalalaos dahil di naman tayo sumisikat”. Yung boses lang talaga natin ang maaalaal at maiiwan sa mga tao. Kailangan din daw malaman namin kung ano talaga ang “niche” namin. Hindi pwedeng kuhanin namin lahat ng field. Dapat magfocus sa isa o dalawa lang para mapagtuunan ng time and effort para mahubog ito ng husto.
Nagkaron din kami ng isang activity for the last time. Ito ang live dubbing. Yes, kinailangan naming magdub ng isang movie, anime o kung anumang material na pwedeng i-dub. Napili ng akin grupo ang sikat na sikat ngayon na Korean drama sa Netflix na Squid Game. Pero syempre nilagyan namin to ng twist. Ginawa naming comedy para masaya lang. At tulad ng mga nakaraang linggo, kami na naman ang naunang nagperform. Consistent talaga ang GROUPONG TWONAY! Napaka swerte ko sa grupong ito. Very hardworking at talagang may teamwork kami. Hinding-hindi ko ipagpapalit ang mga groupmates ko.
Matapos ang performance ng lahat ng BR groups ay nagsimula ng magpaalaman ang bawat isa. Ito na nga talaga ang huling linggo ng program. Meron pa rin kaming konting additional assignments at binigyan kami ng extra week before graduation para tapusin ang lahat ng ito.
Woohoo! Dito na nga opisyal na nagtatapos ang training namin. Laking pasasalamat ko talaga at nakasali ako dito. Walang sawa akong magpapasalamat sa kaibigan kong si Christine Ferrer o DJ VoiceTine na nag-introduce sakin ng CVAP, kay PapaLem na nag sponsor sakin dito, at syempre kay Voice Master Mr. Pocholo DeLeon Gonzales na syang pasimuno ng lahat ng ito. Naniniwala ako na lahat ng ito ay nakatadhanang mangyari para sakin. I thank the universe for all its glory.
Hindi pa ito ang huling lathala ni VoiceKrypt. Abangan ang mga susunod na kabata!