IKATLONG HUGOT: Huwag Kang Madamot!


Isa na namang makabuluhang araw ito ngang ikatlong linggo ng CVAP (Certified Voice Artist Program). Ang unang guest speaker ay walang iba kundi ang aking sponsor na si PapaLem. Isa syang idolo sa maraming tao, at syempre isa na ako dun. Sobrang talentado ng taong to. Hindi matatawaran ang galing sa industriya ng pagboboses. The one thing I admire the most is his sense of humor. Sobrang witty at funny nya in a natural way, hindi pilit. Binahagi nya samin yung journey nya, kung san say nagsimula. He also shared his first encounter with the Voice Master. any kayo na ng narrating nya at talagang kahanga-hanga ang kanyang career.


Pagdating ng hapon, we were surprised and in awe hung pinakilala any next guest speaker. Si Mr. Danny Mandia lang naman, kilala bilang “The Father of Modern Filipino Dubbing”. Title palang eh pan along panalo na! Sobrang idol sya. Ilan sa mga gawa nya ang BTX, Magic Knight Rayearth, Voltron, at Zenki. Maliban sa paging Dubbing Director ay nagdu-dub din sya paminsan-minsan. So napakarami naming natutunan tungkol sa mga karanasan ni Sir Danny, kabilang na ang mga di masyadong magagandang kaganapan sa industriyang ito. Pero ang pinaka tumatak sakin sa lahat ng sinabi nya ay “Mas maganda (siguro) na kung ano man ang natutunan mo sa kapwa mo ay i-share mo sa iba”. in short, HUWAG KANG MADAMOT!


After naming makinig sa isang legend ay tumungo na kami sa activity of the day! Ang pinaka hihintay ng lahat! Sobrang exciting neto kasi lahat kami ay makakasali. Ang task ay kailangan naming umisip ng isang superhero team bilang isang grupo, ANG GROUPONG TWONAY. Ang topic na napili namin ay ang paglaban sa misinformation at disinformation, a.k.a FAKE NEWS. At syempre nag step-up na naman ako para mag lead sa activity na to. Salamat sa leader namin na si Ang COOL Voice dahil binigyan nya ako ng chance na magpakitang gilas. Bale ako ang nag narrate ng performance namin at kami na naman ang pinaka unang BR group ang nag perform. Napaka ganda ng kinalabasan nito at very satisfied kaming lahat.


After ng performance ng lahat ng grupo eh syempre oras na para sa ASSIGNMENTS! This week medyo konti lang naman. Super excited na ako na gawin ang mag to. Sana lang talaga matapos ko on time. Abangan ang susunod na kabanata!

Post a Comment

Previous Post Next Post