IKALAWANG YUGTO: Kaya mo ba ‘to?

So ayun na nga, natapos ang isang linggo at di ko pa rin natapos ang assignments ko. Edi wow! Wow na wow talaga! Pero ayos lang naman. I’m taking my time para kahit papano eh maganda naman ang kalabasan ng mga gawa ko.


Anyhow, this is a new week and I’m really excited. Nagsimula ang meeting sa pagpapakilala ng hosts at co-hosts na alumni ng CVAP. Sobrang saya ng naging kwentuhan. At sobrang saya din namin sa chatbox. As in gising na gising ang voicemates pag pag-ibig talaga ang topic. 


Tapos andyan na si Mr. Choi. Ang pinakahihintay ng lahat. Ang ganda ng topic ngayon. I mean maganda naman lagi pero this one in particular is my cup of tea. Creating character voices. Yan kasi talaga ang hilig ko simula pagkabata. Kaya nga gusto kong maging voice actor nun eh. At nasabi ko sa sarili kong “This is it! This is the very reason why I’m here. And I’m truly supposed to be here.” Ang saya sa pakiramdam na unti-unting natutupad yung dating pangarap lang, na halos nakalimutan ko na nga sa totoo lang.


Tinuruan din kami ng proper voice care. Alam namam natin na sa industriyang to rh boses ang puhunan. Kaya marapat lang na bigyang halaga to. Syempre as expected maraming bawal. I’m guilty dahil matagal ko na ngang alam halos lahat ng yun pero di ko lang binibigyang pansin. Maybe this is the right time para alagaan ko ang boses ko lalo na kung gusto ko talagang manatili at magtagal sa industriyang to.


Naging medyo mahaba ang discussion. Then after that nagkaroon kami ng short activity. Three members from each BR group had to create an AVP of their lives and perform it live using character voices. Nag volunteer agad ako kasi I thought “This is my time to shine.” At nauna na nga ang BR group namin, and guess what? Ako ang pinaka unang sumalang. Sa dinami-rami namin dun, ako ang pinaka una sa lahar. Just imagine how nervous I was! Pero kinaya naman at mabilis lang din lumipas ang 60 seconds. At nagpatuloy ang iba pang voicemates hanggang makaraos ang lahat. 


After ng activity, diretso na agad sa pagbigay ng assignments for the week. Marami-raming puyat na naman to! Pero syempre tulad ng dati, kakayanin!


Post a Comment

Previous Post Next Post