UNANG ARAW: Unang Hakbang Tungo sa Tagumpay.

SKL (share ko lang), isa ako sa mga pinakahuling nakatanggap ng CVAP scholarship. Biyernes ng umaga. Ika-3 ng Setyembre, nagmessage sakin ang aking matalik na kaibigan na si Ms. Christine Ferrer na kilala rin sa pangalang DJ VoiceTine mula sa Batch 8 ng CVAP. Isa nga rin pala syang scholar ni PapaLem (Voice Pappy). Sabi nya “Nix, scholar ka na!” Yan ang mensaheng gumising saking nung araw na yun. Di ko lubos mapagtanto kung anong nangyayari kaya ang sabi ko sa kanya “Ha? Talaga ba? Wait, maghihilamos muna ako.” Pagkahilamos ko ay binasa ko na ang buong message. Nakasaad dun kung anong mga dapat gawin para matanggap bilang isang scholar sa pamamagitan ng referral ni PapaLem. Ginawa ko agad ang mga dapat gawin nung araw ding yun. At napakarami pang nangyari nun kaya fast forward na natin dahil baka abutin tayo ng syam-syam dito.


So dumating na nga ang araw na pinakahihintay ng lahat. Ang aga kong nagising kahit di ako masyadong nakatulog sa gabi dahil nag-alaga pa ako ng bagong silang naming sanggol, at syempre may halong excitement na rin. Excited na ang lahat sa GC at di na makapaghintay na makapasok sa Zoom meeting. At pagkalipas lang ng ilang minuto ay nagsimula na nga ang pagpupulong. Sobrang daming tao mula sa iba’t ibang lugar ang nandun. Naghahalong saya at kaba ang naramdaman ko. Nagsimula na ngang magsalita ang mga hosts na sobrang gagaling. Nabigyan din ng pagkakataon na makapagsalita ang ilan sa mga “VoiceMates” ko. Lahat sila may mga inspiring na kwentong ibinahagi sa lahat. Makalipas pa nga ang ilang sandali ay ipinakilala na samin ang “The VoiceMaster” na walang iba kundi si Mr. Pocholo De Leon Gonzales. Medyo nalaglag ang panga ko sa sahig (medyo lang naman) nung nagsalita na sya. “This is it!” sabi ko sa sarili ko. Lalo akong ginanahan! Grabe yung mga binitawan nyang salita sa unang bahagi pa lang ng speech nya. Talagang nanahimik (kahit naka mute naman talaga) ang lahat. At nakinig mabuti sa lahat ng sinabi ni Mr. Choi. Isa sa mga bagay na talagang tumatak sakin ay yung mga katagang “ Now is the only time you own. If you owned it, you’ve already won.” Ang lakas ng impact neto! Kahit dati pa kasi ay naniniwala na ako sa kapangyarihan ng “NOW”. Ito ang pinakamahalagang oras sa buhay natin. Ngayon, hindi kahapon, at hindi bukas. Kaya sobrang saya ko talaga na nabigyan ako ng pagkakataon na makalahok dito.


Tapos nagtuluy-tuloy pa ang speech ni Mr. Choi. Sobrang dami nyang ibinahaging karanasan mula pa nung nagsisimula pa lang sya sa industriya. Lahat ng successes at failures nya ay tinanggap nya ng buong-buo. Napakagandang message nun. Sa kahit ano pang larangan sa buhay, minsan magtatagumpay tayo, at minsan naman mabibigo. Pero ang pinaka magandang gawin ay bumangon sa bawat pagkadapa. Talo ka kung susuko ka.


Anyhow, nagpatuloy ang programa at marami pang talentadong tao ang nagbahagi ng kanilang inspiring na kwento. Sa totoo lang, medyo gutom na talaga ako nung mga oras na to. Tapos ayun, sa wakas nag lunch break din. After ng lunch break sumabak na agad kami sa mga remaining activities. Hinati ang mga VoiceMates sa sampung Breakout Rooms (BR), at kada isang BR ay may mentor mula sa mga previous batches ng CVAP. Dito na kami nagkaroon ng pagkakataong makapagpakilala sa isa’t-isa kahit sa konting oras lang. Masasabi kong nagkaron naman kami ng instant connection ng mga kagrupo ko. Medyo nagkahiyaan lang ng konte nung umpisa pero naging ayos din naman agad. At syempre di pwedeng walang leader sa isang grupo di ba? Kaya nagbotohan kami. Unang kita ko pa lang kay Angkol Mark a.k.a Ang Cool Voice ay talaga namang naimagine ko na isa rin syang napaka talentadong nilalang. Tinuro ko sya agad at binoto bilang leader at ganun din ang ginawa ng iba pa naming kagrupo. Nakakatawa nga dahil ayaw gumana ng mic nya nung oras na yun kaya wala na syang nagawa para tumanggi. Edi sya na nga ang naging leader namin at ang nagrepresent ng aming grupo sa buong plenary.


Pagkatapos magpresent ng bawat grupo ay dumako na kami sa pinaka huling part ng programa. Isa rin to sa mga hinihintay ng mga VoiceMates! ASSIGNMENTS!!!! Super excited sila nung una pero nung malaman kung gano karami ang assignments eh nagulantang ang lahat! First week pa lang pero parang pang one month na ang assignments na binigay. Pero syempre excited pa rin ako at alam ko namang di ako nag-iisa. Nandyan ang grupo ko and lahat ng mga mentors at VoiceMates para tumulong sakin. “Sharing is caring” ika nga di ba?


At dun nan ga natapos ang programa. Pero kahit after nun ah magkakachat pa rin kami ng grupo ko sa aming GC. At pati na rin sa GC ng buong Batch 9.


Masasabi ko na sobrang saya ng unang araw at very productive talaga. Kahit alam kong sobrang busy ko sa bahay eh talagang gagawa ako ng paraan para matapos lahat ng assignments at di ako mapag-iwanan. Sobrang saya lang talaga at di na ko makapaghintay sa mga susunod na kaganapan!


Post a Comment

Previous Post Next Post