My reaction about Mr Danny Mandia's Talk By Erica Castañares~Gandalicious VoiceMy reaction about Mr Danny Mandia's Talk By Erica Castañares~Gandalicious Voice

 Great Day sa inyo,

Ang masasabi ko sa mga talk ni Mr Danny Mandia para sa akin ay punong puno ng inspirasyon dahil kahit limitado lang ang mga kagamitan nila noon sa pag da-dubbing hindi ito naging hadlang sa pag gawa nila ng mga magagandang projects tulad ng pag da-dubb ng mga cartoons or anime sa tagalog at binanggit ni Mr Danny Mandia na hindi biro ang mga gawain nila noon at mabusisi ang pag sink in ng timing ng wikang Tagalog sa pag timing sa pag sasalita ng cartoons or ng bida ng teleseryeng dina dubb at ang translation noon ay manu-manong trabaho samantalang VHS at Beta max lang ang gamit nila noon at ito'y maproseso kung kaya 2 linggo ang itinatagal bago matapos ang isang episode ng ginagawa nilang project at dahil doon nag click ang mga iyon sa mga kabataan lalo na ang mga "Batang 90's" na gumagawa ng mga memes sa Facebook na may picture ng mga anime cartoons na nag papakitang na-appreciate ng mga ito ang mga obra ni Ama Danny at para sa kaniya nakakataba ito ng puso dahil malakas ang Impact ng dubbing industry dumami na rin ang mga dubbing projects at binanggit ni Ama Danny na dati  malaya sila kung kailan nila tatapusin ang bawat episode na ginagawa nila pero dahil sa demand nag bago na ang set-up nila kung saan hawak na ng Network ang oras nila at kailangan nila itong tapusin sa itinakdang oras. nag tururo din si Mr Danny Mandia noon sa Miriam College at bilang direktor marami siyang tinuruan sa pag da-dubb at pag arte kaya mas nakasanayan na niya ito pero nag da-dubbed rin siya depende kung magustuhan niya ang character na gagampanan 

Dahil hindi naman nakikita ang mga dubbers akala ko safe ang mag trabaho pero binanggit ni Ama Danny Mandia na mas masahol pa daw sila sa mga artista sa TV dahil maraming mga intriga at issue inilarawan pa nga niya 17 Stab wounds o mga sak-sak sa likod [Aray!!! 😭]

Itinuro niya na ang mga kaalaman sa pag da-dubbing ay hindi Ikikimkim o ipag dadamot dahil hindi naman iyon madadala sa hukay o sa langit 

Kaya dapat itong ituro sa iba lalong lalo na sa mga aspiring dubbers at paalala niya na huwag maging madamot at makasarili


At paalala rin niya sa mga assignments sinabi niya "Kung hindi ka magaling at hindi ka gumagawa ng mga assignments mo pasensya ka mapag iiwanan ka talaga" [Aray!!! 😭]


Ito ang lahat ng mga natutunan ko Maraming pong salamat sa pag bisita Mr Danny Mandia




Post a Comment

Previous Post Next Post