“Dubbing is reading, not memorization.”Mr. Danny “Ama” Mandia

“Dubbing is reading, not memorization.”Mr. Danny “Ama” Mandia

Hindi lahat ng bagay ay kailangan sauluhin at tandaan. Minsan, nasa tamang pagbabasa lamang ang lahat ng ito.Hindi lamang tungkol sa dubbing at dubbing directing ang natutunan ng mga estudyante ng voiceworx sa Creativoices Production mula kay Mr. Danny “Ama” Mandia, ang Dubbing Director ng ABS-CBN noong ika-24 ng Enero, 2015. Natutunan din ng mga naroroon ang tungkol sa buhay at ang buhay sa loob ng Dubbing Industry.

Danny Mandia with VOICEWORX 31 Student
Danny Mandia with VOICEWORX 31 Student
Ano nga ba ang Dubbing?





Maraming salita ang maiuugnay sa salitang dubbing, ayon na rin sa mga naroroon. Ngunit ang lahat ng mga salitang ito ay isa lamang ang tinutukoy, ito ay ang “characterization is impersonation”, mula kay Mr. Mandia. Ang dubbing ay hindi lang pagsasaboses kundi ito ay ang paglalagay ng iyong sarili sa sitwasyon ng iyoong binobosesan. Kailangan ditto ng emosyon at tamang pag-arte kahit na hindi ito nakikita sa camera.
“Ang Pag-arte ay base lamang sa abot ng ating karanasan.”

The power of dubbing
The power of dubbing



Ika nga ni Mr. Danny na kailangan ng maraming experience upang maisabuhay ang tamang pag-arte. Ang isang magaling na artista ay hiinuhugot ang kanyang galing base sa karanasan at sa pagkakaitindi niya sa mga nangyayari. Kung marami na ang iyong naging karanasan sa buhay, hindi malayong maging madali ang pagsasabuhay ng iyong karakter mapa-artista man o dubber.
“We treat different people in so many ways.”


Kung ano ka sa harap ng pamilya mo, iba ka rin kapag kaharap mo ang mga kaibgan mo. Sa mundo ng dubbing, ating kultura ang maipapakita sa mga manonood lalo na ang pananalita, hindi ang kultura mismo ng bansang pinanggalingan ng palabas na idinub. Ginagawa ito upang mas lalong maintindihan at maka-relate ang mga manonood.
“Don’t ask for approval. Just do it.”

Sa mundo ng dubbing, kailangan mong mahanap ang iyong comfort zone. Hindi mo magagawa ng maayos ang isang bagay lalo na ang pagda-dub kung ikaw ay hindi naniniwala sa sarili mong kakayahan. Ayon kay sir Danny, nagkakaroon daw ng hindrance at nagda-doubt ka sa sarili mo kaya dapat ay gawin ang nais mong gawin at huwag mahiya. “Loosen up everything,” ika nga ni Sir Danny.

Post a Comment

Previous Post Next Post