CVAP Day 1 Blog
Yooooooow!!! Hello mga ka-Jammers!
UNANG ARAW SA ESKWELA… Oo, after quite some time, bumalik na naman ako sa pag-aaral. Akala ko, hindi na ako matatawag na isang estudyante. Matagal na rin mula noong huli akong naupo, hindi upang magturo kundi, upang maging isang mag-aaral. Sa totoo lang, hindi ko na alam kung paano. Sabi ko nga sa mga nakausap ko, “Hindi na ako marunong mag-aral.” Pero, akala ko lang pala iyon.
Lumipas ang ilang mga minuto, hindi pa rin nagsisink-in sa akin na estudyante ulit ako. Oo, workshop “lang” ito, pero dito, naramdaman ko kaagad na hindi pwedeng basta-basta lang. Kailangan, ayusin ko. Kailangan, galingan ko. Dahil sabi nga ni VM Choi, “Someone, out there, needs to hear your voice.” Yan ang unang tumatak sa akin. Yes, it ain’t my first time to hear that quote (or something that goes like that.) Pero, iba pa rin talaga yung amats kapag maririnig mo siya unexpectedly. Yung tipong biglang ipapaalala sa iyo ng universe na, “OO, ‘tol! Kahit ganyan ka, may mangangailangan sa’yo. Kaya kailangan mong pagbutihin!”
Edi ayun na nga.
Akala ko talaga, ano… My most honest expectation, kasi, regarding this program was I am going to learn solely on the technicalities of Voice Acting. Pero, (pasensya na, maraming beses ko yatang magagamit yung salitang “pero” sa blog na ito,) ‘lang’ya! Wala man lang nakapag-abiso sa akin na recollection seminar pala itong pinasok ko! Tingnan mo ang ibig kong sabihin ha… Unang ipinaisip sa amin ay ang WHY, WHO, WHAT, at HOW ng buhay namin. WOW!!! Iisipin mo bang pagiging Voice Artist ang katapusan nito? Pero huwag ka! Kahit tunog pangrecollection yang ganyang tanungan, malaking tulong para sa kahit sinong nagsisimula sa larangan ng Voice Acting na masagot yang mga tanong na ‘yan. Mahalagang matukoy mo ang mga kasagutan sa mga tanong na iyan dahil ‘yan ang magsisilbing panuntunan mo kung paano ka gagalaw sa mundo ng Voice Artistry. Of course, hindi naman ‘yan agad-agad na masasagot. Katulad ng lahat ng uri ng pagkatuto, ito ay isang proseso. Babalitaan ko kayo sa magiging sagot ko dyan sa mga darating na pagkakataon!
Akala ko talaga, ano… Since 2015, nakita ko na kasi yung sarili ko na nasa larangan na lamang talaga ng Church Music. Aba, malay ko ba’ng sa kaka-Tiktok ko ay magigising ang isang matagal nang natutulog na pangarap. And this Pochology quote really struck me hard, “NOW is the only time you OWN, and if you’ve owned it, you’ve already WON!” Mantakin mo, ‘yung tatlong letrang N, O, at W ay nakabuo ng isang magandang aral?! Totoo naman din, matagal nang nakatulog yung pangarap kong maging voice artist at NGAYON ang oras para simulan kong tuparin ito! Maraming salamat ulit kay Sir Pocholo “The Voice Master” De Leon Gonzales, for making this program possible. If not for you, maybe the industry of Voice Acting will forever be monopolized by few privileged people. Mabuhay ka, Sir Choi!!! And syempre, maraming maraming salamat rin kay kay Miss Car Shee, my Nyora Besh and our Dear Betchay, for giving me this opportunity to be one of the scholars of CVAP Batch IX! Kung hindi dahil sa mga pakulo ninyo ni Sir Tumnic sa Tiktok, malamang ay hindi ako mapapadpad sa kabanatang ito nang aking buhay. Mabuhay rin kayong dalawa! Sabi ni Sir Choi, ‘Hangaan ang talent, huwag ang tao!” Siguro, ito lang yung isa hindi ako sang-ayon. Hinahangaan ko kayong tatlo dahil sa inyong talent at dahil sa inyong pagkatao! Muli, mabuhay po kayo!
Akala ko talaga, ano… Nung sinabing gumawa kami ng blog about sa mga natutunan naming sa Day 1, akala ko wala akong maisusulat. Di talaga kasi ako magaling magsulat. Pero, tingnan mo naman, sa lagay na ito, nakaka 624 words na ako. Hahaha. Eh, ganun talaga siguro ang buhay, minsan akala mo eala kang natutunan sa buong maghapon. Subalit, kung iyo lamang babalikan at gugunam-gunamin, (bahala na kayong tumuklas kung ano’ng ibig sabihin niyan,) marami ka rin naman palang mapupulot na araw, kahit sa isang araw lang. Tulad na lang rin ng mga ss.:
a. Ang Voice Acting ay sining.
b. Ang pagiging mayabang ay may magandang dulot basta’t wasto ang paggamit.
c. Iba’t iba man ang pangarap ng mga tao, ang mga ito ay kunektado sa isa’t isa. Kailangan lang magkaintindihan para marating ang iisang layunin ng lahat: ang mapabuti ang mundo.
d. Kahit gaganyan-ganyan ka lang, o yung walang hiya mong kaibigan, may mga taong nakakakuha ng inspirasyon mula sa’yo para mgapatuloy sa buhay. ‘Wag mong maliitin ang sarili mo!
O, edi ayun na nga… Minsan, hindi naman nakakamatay ang maling akala. Paminsan, nakakasurprise lang talaga ito. Kailangan mo lang maging handa…sa maraming pagkatuto!
Maraming salamat sa mga nakasalamuha ko sa unang araw ng aming klase, ang mga bago kong kapamilya—ang buong Certified Voice Artist Program Batch IX! Padayon sa’ting lahat, Voicemates! Syepmre, special mention una ang aking kaDearlets, ang mga kapwa ko scholars ni Dear Betchay, si Sir Michael, si Miss Mari, at si Miss Hannah. Hindi ko rin kaliligtaan ang pinakabago kong kakulitan sa mundo, ang aking mga kaGV, ang Gr8 Voizillas, sina Miss Denice, Sir Van, Miss Sheila, Miss Hope, Miss Niice, Sir JB, Miss Rachelle, Sir Miko, at ang aming mga CVA Mentors, si Sir Karlo at ang bagong dagdag sa listahan ng aking mga Mami, si Mami Cha. Mabuhay po kayong lahat!!!
Unang araw pa lang yan ah. Akala ko talaga, ano. Pero heto!
Binitin ko talaga yan, para may abangan ka sa susunod na pagsulat ko!
Mabuhay… Tumawa… Magmahal…
Ito ang unang blog entry ni Kuya Intoy! Peace out!!!