CVAP Batch 9 Day # 1
FIRST DAY HIGH
Unang araw ng CVAP, same feeling din kung ano ang mararamdaman mo sa feeling ng unang araw ng klase. Gumising ako nang maaga, tumakbo ng 7 Eleven para bumili ng almusal, at kumain sa Shop ng Ate ko. Oo, may Korean Mart kasi ang Ate ko na
nakalocate lang sa gate ng Subdivision namin. Pero anyway, after ko mag-almusal, tumakbo agad ako pauwi para buksan ang aking computer. Mixed feelings dahil medyo kabado pero at the same time, syempre excited dahil ang tagal ko nang gustong magworkshop sa pagiging voice artist.
Una kong inopen syempre, yung GC namin ng Batch 9 dahil dun nila ibibigay yung Zoom Link for the Session. Excited ang lahat sa GC habang inaantay ilapag ang link. 3..2..1, ayan na. Open na ang Gate for the Zoom Meeting. Natuwa lang ako dahil hindi ko aakalain na aabot pala kami ng isang-daan sa batch namin. Yung iba, hindi pa makapasok.
THE PROGRAM STARTED
Nagsimula ang program with the hosts Boss Rich, Sir Jeff, and a guest host from the previous batch na si Winkie. Smooth-sailing naman ang naging programa, may mga presentations ng mga previous batches, at nagpakilala rin ang alumni from a previous batch na si Miss Pau Castillo AKA AiVoice upang magbigay ng leksyon at motibasyon tungkol sa pagiging voice artist.
Pagkatapos, enter si Sir Choy (VoiceMaster Pocholo Gonzales), Nakakatuwa palang makita siya nang Live. Matagal ko na rin kasi siyang tinitingala bilang isang batikang voice artist.
Siguro kung iisipin mo sa isang workshop, puro teknikal ang ituturo sa inyo rito pero ito ang aking pagkakamali sa expectations ko sa CVAP. Imbes na purong teknikal na lessons ang ituro niya sa amin, itinuro niya sa amin ang kanyang mga POCHOLOGY (Original Quotes from Sir Choy himself) at kanyang mga strategy sa pagiging isang Voice Artist. Ang galing di'ba? Kasi totoo naman, hindi mo maituturo nang sobrang teknikal ang paggamit ng boses sa isang tao dahil iba iba tayo ng boses. Sobrang uplifting at motivating talaga ang mga sinabi ni Sir Choy, nakatulong talaga sa akin ito considering na kagagaling ko lang sa depression. Sobrang positive lang at tulad nga ng sinabi ni Sir Choy, gawin naming mindset ang pagiging isang "LION", Lion Mindset kumbaga, we're a LION in a Sheep's Clothing.
BREAKOUT ROOM NUMBER 9
After naming kumain ng Lunch, hinati hati na kami sa mga grupo. At ako nga'y napunta sa Breakout Room Number 9. Noong una, nagkakahiyaan pa kami na magpakilala sa isa't isa. Buti na lang at nandiyan si Miss Ria na mentor namin para tanggalin ang hiya namin sa isa't isa. Dito ko nakilala ang aking mga kagrupo na sina Belle, Miss Ann, Kitkat, Miss Shaziah, Michael, Emil, at Axcel. Pagkatapos ng introduction namin sa isa't isa, prinesent kami
ni Belle as a group sa buong batch. Nakakatuwa rin si Belle, very lively ang pagkakapresent niya sa aming grupo.
ASSIGNMENTS
Teka nga pala, nasabi ko nga pala sa inyo kung gaano karami ang naging first weekly assignments namin? After ng session, binigay na sa amin ni Miss Nikie ang mga tasks na gagawin namin for the first week. Gulat lahat syempre sa daming ng assignment pero hindi naging balakid yung dami kung mag-eenjoy ka naman sa gagawin mo. At eto nga ako, ginagawa ko na yung mga assignment ko doing Voice-over demos habang pinopost din ito sa aking Facebook Page. Shine-share ko rin yung mga Demos ko sa family and friends ko. Marami ring mga kaibigan ang nasorpresa sa mga demos ko dahil hindi nila akalain na kaya ko palang maging isang Voice Artist. Proud ako sa sarili ko, syempre. Minsan lang ang mga bagay na darating kung saan hahanga sa'yo ang mga tao dahil sa talento mo. Masaya rin ako na nai-share ko yun sa mga kaibigan at pamilya ko. Not to mention, very proud sa akin ang pamilya ko at ilan sa aking mga malalapit na kaibigan.
TAKEAWAYS
Marami akong natutunan sa Day 1 considering na first day pa lang sa aming workshop. Marami akong natutunan kung paano i-present ang aking sarili bilang isang aspiring Voice Artist. At kung paano lumaban sa mga taong sisira sa iyo dahil sabi nga ni Sir Choy, lagi naming tatandaan na lagi lang siyang nasa likod namin.