No title

 MY WEEK 1 BLOG :  A wonderful first week sa pag attend ko ng Certified Voice Artist Program Batch 9 at taos puso akong nagpapasalamat dahil ako ay isa sa napiling scholar, At un nga OO yes na yes scholar nga ako na hindi ko expect na papasok ako sa world of voice artistry na new scenes na sisimulan ko from scratch. Well, eto na nga nagsimula ang programa at pinakiramdaman ko lahat ng nangyayari sa programa. Sobrang dami ko natutunan kahit unang week pa lang , at sa wakas kahit virtual lng nakita ko na din sa wakas si           Mr. Pocholo "The Voice Master" Gonzales. Words of wisdom at pangangaral para sa aming lahat ang shinare niya sa amin, most likely since isa akong circus artist karamihan sa mga sinabi niya ay nakadugtong sa ugat ng aking mindset. Bilang isang artist tulad ng sabi niya, huwag kagad pera ang isipin  pag nagsimula  ka sa voice kasi dapat passion ang pairalin kung mahal mo ang ginagawa mo. Tama yun , since ako ay nag start sa circus industry lahat ng bagay na inaral ko ay ginawa ko ng isinasapuso ko at masaya lang akong ginagawa eto, Kumbaga ginagawa ko un bagay na may kahulugan sakin nang di ko kailanman inisip na pagkakakitaan ko kagad o basta isipin na pera na ito. Sabi nga din niya "Now is the only time you own and if you owned it, youve already won". Napakaprecious ng salitang yon, Tumaba ang puso at nainspire sa salitang iyon. Time is a useful illusion and a powerful tool , isa ding bagay na tumatak sa akin. Ituring na pamilya ang community at kung anu ang kaya mo maishare sa mga tao para mabago ang buhay nila. Sinabi niya na dapat may reason at purpose ka para dito , kumbaga dapat may goal ka. habang may time at para di masayang, Investing our time ay isa sa mahalagang dapat gawin. Masaya magbahagi kung ano meron ka tulad ng ginagawa ko noong nasa world of circus arts ako. Sabi ko sarili ko kailangan magshare ako sa tao ksi kung mamamatay na tayo may atleast lng man may mapapasahan ako or tayo na susunod sa yapak natin para may magtuloy ng Art na ginagawa natin.At ung nga pinakamahalaga sa lahat is "ATTITUDE" , Dapat good hindi bad, ksi kung meron kang bad attitude, lahat ng katangian babagsak sayu. Eto din ung bagay na sinasabi ni sir Pocholo kasi aanhin mo ang galing mo kung may bad attitude ka? so wala ding sense at mawawalan ng value pagkatao mo. At un nga sa dami kong natutunan is naging makabuluhan ang buhay ko, Excited na ako sa 2nd week ng programa para matuto ng new skills at magkaroon ng bagong kaalaman sa mundo ng voice artistry. 



Post a Comment

Previous Post Next Post