No title

 MY WEEK 2 BLOG :  Hello Again at ako'y nagbalik para sa aking ikalawang blog tungkol sa programa ng voice artist, At eto na nga bagong kaalaman ulit sa araw na yon, karamihan naulit ulit ang mga nasabi tulad nung unang week pero ayos lang dahil mukang importante ung bagay na un para tumatak sa isipan namin at matuto. Ngayon, sa pagkakataong to, nakilala namin si Joshua Simeon at isa siya sa batch 1 ng CVAP, nagshare siya ng journey niya kung ano pinagdaanan niya sa pagiging voice artist. Grabe naging experience niya tulad ng normal na nangyayari about rejections, Pero sabi nga niya, hindi siya sumuko para lang makuha ung gusto niya .At nakakatuwang isipin at nakakainspire pag nakakakita akong taong passionated tulad niya. After niya makipagkuwentuhan samin,Kaunting kuwentuhan muna sa iba bago magpakita ulit si Mr. Pocholo "The Voice Master" Gonzales. This time , Nadagdagan na naman kaalaman ko at mga bagong words of wisdom na nakapaguplift sakin. Ang ganda nung sinabi niya sa amin na dapat meron kaming "heart of a lion, vision of an eagle and attack of an hornet". We are a creation of storytelling sabi din niya , Kailangan build up namin sarili namin sa ganetong bagay na maaapply sa totoong buhay.Before and after lunch, tinuro sa amin kung papano namin madedevelop ang aming voice, Anu and different varieties, mga formula kung paano mag create ng voice, tamang pagaalaga sa voice at iba pa. Grabe kung dedetalyehin pla lahat hindi siya basta basta lang. Well as expected, Isa siyang sagradong art na kailangan aralin mabuti kung gugustuhin mo. Ang sarap ng feeling na nandito ako para matuto sa programang eto, Anlaki ng value kung ano meron sa community na eto. Busog na busog ang puso at isipan ko sa pangalawang week na ng programa, iniisip ko kung ano susunod kong matutunan sa pangatlong linggo ng programa. See you ulit sa 3rd week ng programa at excited ulit ako sa magagawa kong bagong blog next week .



Post a Comment

Previous Post Next Post