The Father of Modern Filipino Dubbing.

 

Week 3, Saturday September 18, 2021.

Reaction Blog to Mr. Danny ''Ama" Mandia. 


           The Father of Modern Filipino Dubbing

                                           Mr. Danny "AMA" Mandia




September 18, 2021 After ng morning lecture namin ay nag karoon ulit kami ng guest speaker, sya si “AMA” Mr. Danny Mandia. Nag share sya ng background nya as a voice artist, dubber, hanggang sa naging dubbing director and kasalukuyang kilala bilang “ The Father of Filipino Dubbing.” Ilan sa mga sikat nyang naging projects ay ang Ragnarok the animation at Voltron at madaming madami pang iba. Isa din sya sa naging mentor ni Sir Pocholo De Leon Gonzales. Ayon sa kanya He started nung 1991, mga panahon na Vhs at Betamax palang ang material na gamit sa industriya, mga panahon when no body can hear what is dubbing all about. That time daw kasi hindi sikat ang dubbing. Nung 1991 He was teaching in Miriam College at that time then tinawagan sya ng kaibigan nya na kasama nya sa theatre, then ininvite sya nito to translate the Ultraman or Magma Man sa Channel 2. Naging amateur translator sya nung mga panahon na yun. Hanggang sa napag aralan nya ng ayos ang dubbing. Nag dub din sya hanggang sa naging dubbing supervisor sya at naging dubbing director. Talaga namang nakaka bilib at nakaka mangha ang pag tatyaga nya. Ito yung sinabi ni Sir Mandia na tumatak sa isip ko..

 “ Maganda na yung mga natutunan natin sa iba ay mai babahagi din natin sa iba. “ Maganda yung napalawak mo ang iyong kaalaman at naibibigay mo sa maraming recipients o tao kung ano man yung mga natutunan mo.” Pag dating sa kaalaman at mga natutunan natin, hindi natin ito dapat ipagdamot.

Very inspiring! Nakakatuwa na di sya makasarili, at willing syang I share ang mga natutunan nya. Yung pag tatyaga nya, pag sisikap. Sobrang nakaka inspired. Thank you so much “Ama” Sir Danny for sharing your story, experiences and for motivating us. We will give our very best po to reach our dreams and also to share yung mga natutunan po namin dito sa Cvap. Thank you very much.. 

Melody Paus Agustino

The Voice of The Super Nanay

Cvap Batch 9

Post a Comment

Previous Post Next Post