CVAP BATCH 9 Day 4 - START OF THE NEXT PART

  Great day voicemates! Sa wakas ay nalampasan natin ang ating 4th week ng ating CVAP journey!


Sobrang saya ko at natapos ko ang apat na linggo ng workshop at graduation na lang ang kulang para ako ay maging isang official certified voice artist na. Marami akong bagay na mamimiss but for sure ay makakasama ko at makakabonding ko pa rin naman ang mga voicemates ng batch 9 at iba pang mga cvap members dahil kagaya nga ng sabi ni VM we will always be a family.


Sa 4th day ng CVAP ay inintroduce sa amin ng guest speaker na si ma'am lyn ang aming mga dapat naming gawin after graduation at kung ano ang mga opportunities na pwede naming maavail sa CVAP considering na nahasa na naman ang aming voice acting skills and also mayroon na kaming right equipments to do the job. Pinayuhan din kami ni ma'am lyn to just stay in the loop or magstick lang sa CVAP kahit na anong mangyari dahil dadating at dadating din ang maraming opportunities sa amin basta't magsumikap lang kami.


Kasunod naman nun, of course ang Pochology moments.Kung saan itinour kami ni sir Pocholo sa kanyang studio at ibinahagi niya ang mga websites na maaari naming pagregisteran as early as we can para maintroduce yong brand namin as a voice artist. Ayon nga sa kanya, "You don't need to be great to start, you just need to start to be great". Isang linya na naman na talagang nakapagmotivate sa akin lalong-lalo na at may times na nakokompara ko ang aking sarili sa kapwa ko mga voicemates na talagang nakikitaan na ng galing ng mga CVAP leaders.Sa tuwing naaalala ko ang linyang ito ay nawawaglit sa utak ko ang mga palaisipan na iyon at naiengganyo ako na gawin agad ang mga assignments ko or umpisahan na ang mga bagay na gusto kong gawin. 


Pagkatapos naman nun ay nagkaroon ng lesson si Ms. Nikie about the Importance of Voice Branding. Ayon sa kanya kapag naestablished mo na ang brand at market you don't need to market anymore. Pero para maachieve ito ay kailangan mo ring matutunan ang mga bagay na makakatulong para makilala ang brand mo at ang mga halimbawa na nga dun ay ang copywriting at SEO. Bilang isang Voice Artist hindi lamang ang paglinang sa aming boses ang kailangan naming pagtuunan ng boses dahil hindi naman kami magkakaroon ng projects kung walang nakakaalam na nagiexist kami bilang isang voice artist.


Ang huli naming ginawa sa 4th day ay ang dubbing activity. Dito ako namangha sa sobrang talentado ng mga voicemates ko pagdating sa voice acting at paggawa ng character voices. Sobrang saya ko at nakilala ko sila at nawitness ko kung gaano sila kagaling. Proud din ako sa BR group namin dahil kahit na hindi kami masyadong nakakapagprepare para sa mga BR activities ay nagagawa pa rin namin ito ng maayos. 


Hanggang dito na lang muna mga kavoicemates! Hanggang sa muli!


Post a Comment

Previous Post Next Post