BomBonVoix00: Ang Malapit na Pagtatapos (Day 4)

    Huling araw na ng CVAP bago ang graduation namin. Sa araw na ito yung guest host namin ay si Ma’am Samantha Ocampo aka Lady Boses at isa siya sa mga hosts ng VG8 Radio (Shoutout po pala sa inyo Ma’am! Malumanay po yung boses ninyo na nakakarelax po.) Niremind kami ni sir Jeff na malapit na namin makamtan yung CVAP number namin as long as ginagawa at mapapasa namin lahat ng assignments namin. Pagkatapos ay nagkaroon ng kumustahan with matching “Tongue Twisters” yarn ha. Both in English and Filipino. Habang pumipili sila ni Sir Richard ng tatanungin panay “sana wag ako please” kase malaki ang chansa na mabubulol ako sa Zoom meeting kahit na 60+ na lang kami that day - oo umonti, siguro may ginagawa at busy ang iba naming kasama. Yung ibang tongue twisters keri lang pero yung iba, jusko day, parang iluluwa ko na yung dila ko hindi ko pa rin makuha. Pero syempre, palaban tayo ee. May iibugal naman. 


    Ayon sa lecture ni Sir Richard yung tongue twisters daw ay nakakatulong sa ating mga bunganga para iwarm up ito. May iba kaseng scripts that will twist and turn your mouth. Isa pang katulungan nito ay para sa pronunciation at enunciation. Sunod na lecture namin ay tungol ka kung paano namin ipractice yung mga iskrip. Si Sir Jeff yung naglecture at pinayuhan kaming magbasa lang ng magbasa or make it a habit kahit na walang recording session o audition. Para din sa enunciation and pronunciation yung pagbabasa ng mga iskrip. Bago ipinakilala ni Miss Samantha yung speaker for the day ay nagbigay muna siya ng words of wisdom tulad ng just enjoy your CVAP journey, know your purpose, at kapit kamay kaming lahat sa CVAP. Next, pinakilala ni Maam Sam ang guest speaker. 


    Ang guest speaker namin ay walang iba kundi Voicecaster Lyn Gonzales. Siya ay graduate ng CVAP Batch 1 at ang tinalakay niyang topic ay tungkol sa kung ano ang mangyayari pagkatapos ng CVAP. Ang tumatak sa akin sa lecture niya ay ang mga katagang, “Just stay in the loop and have a good character.” at “Talent will get you in the door, but character will keep you in the room (Your talent will open the door, but only your character can keep you there.” Walang mayabang sa CVAP. Ang karapat dapat lang magyabang ay si Sir Choi dahil may dahilan at mayroon na siyang maraming output. 



    Na challenge ako sa sinabi ni Ma’am Lyn na after the CVAP Graduation dun matetest kung andoon pa yung passion namin sa voice acting. Seryoso ka ba talaga sa pag vovoice acting? May mga pagpipilian siyang ibinigay sa amin na pwede naming pag-isipan. Una, stay in the loop. Huwag daw kami mawala at make our presence visible kase kung hindi mawawala na kami totally. Dapat lagit lagit magparamdam. Ikalawa, umalis at gawin ng mag isa na kung saan walang mag gguide sa amin. At ikatlo, titigil na sa voice acting. Syempre, matic kong pipiliin yung unang choice kase dun ako panalo! 

    Kung mananatili raw kami sa CVAP maraming VO project oppportunities ang naghihintay sa amin as long as na nag invest kami sa kalidad ng aming mga equipment. Maganda nga ang boses pero hindi pasok sa tenga o kagustuhan ng kliyente dahil sa mababang kalidad ng mikropono kaya invest sa mic at iba pang kagamitan na kelangan. Pwede ring mapunta sa Skills Enhancement Training na kung saan minomonitor yung skills mo under a coach and if magaling ka na pwede ka ng mabigyan ng proyekto. Mayroong Voice Artist Buddy Program, Free Dubbing Training with Sir Reymar, chance to have an actual dubbing experience at Creativoices Studio na kung saan makakasama si Direk Allan Ortega pero syempre may dadaanan pang proseso, at marami pang iba. 


    Naikwento rin ni Miss Lyn na minsan daw kahit maganda ang boses hindi natatanggap dahil yung pinipili ng kliyente ay yung style of delivery  kaya kelangang mag ensayo lagi’t lagi para mas mapabuti ang boses at skills. Para makakuha raw ng VO projects dapat handa kami sa mga rejection at pagtanggap dito at magkaroon ng mindset of submit and forget it. Bale submit mo na at huwag ka umasa. Naikuwento ni Ma’am Lyn na pagkatapos lang ng tatlong buwan siya nagkaroon ng proyekto. Dapat din daw handa kami mag record kahit hating gabi na o madalang araw kase yun lang ang oras kung saan kaunti o walang unnecessary background noises. Mag practice lang kami ng practice at tiyak na meron ding kukuha sa amin. Just trust the process and just keep on creating. Our time will come soon. Just wait for it - mga ganoong peg! 


    Ang kasunod ng talk niya ay pinakita niya ang mga compilation ng videos na tungkol sa iba’t ibang projects ng mga CVA. Sobrang nakakamangha yung mga boses nila habang binibigyang buhay ang mga commercials, pelikula, at mga AVPs. Wait for it self, soon ikaw din ay makukuha at maririnig mo ang boses mo sa mga platforms na yan hehe. Pagkatapos ni Ma’am Lyn magsalita ay si Ma’am Nikie naman. 


    We were congratulated by Ma’am Nikie dahil nasa CVAP community and family na kami and told us to pat ourselves at the back for reaching CVAP Week 4 kase hindi lahat ay nakakaabot sa gantong linggo. Katulad ng sa batch nila kase half of their batch in Batch 1 yung ligwak. She also reiterated that CVAP was not created to gain for profit but to help people. Naalala niya pa raw ng sabihin sa kaniya ni Sir Choi na marami silang mababago ang buhay dahil naniwala sa sarili. May tatlong points siya na idinagdag sa pag congrats sa amin. Una, dahil after how many years ay we chose to prioritize ourselves or pinahalagahan namin ang aming sarili at hindi na nagcomply sa expectations ng ibang tao. Ikalawa, na realize na namin ang aming self- worth dahil may malaki kaming potensyal. At ikatlo, klaro na sa aming mga sarili kung ano nga ba ang vision and purpose namin sa buhay. Buo na kami at mahal na mahal na namin ang aming mga sarili. 


    Ang ikahuling speaker ay syempre si The Voicemaster Pocholo Deleon Gonzales! Sa talk niya ng araw na yun ang pinaka nagustuhan ko ay yung we must accept who we are and we must learn how to love our own voice. Ininform niya rin kami na marami na siyang vlogs na nakita at sana raw ay magsubmit na ang hindi pa nakapagsubmit. Nag interbyu rin siya ng iba naming mga kasamahan at tinanong sila kung ano ang pakiramdam ng pagsali nila sa CVAP. Sir Choi once again put an emphasis sa one of CVAP’s purpose na pagalingin kaming lahat na to be the better versions of ourselves. Hindi niya kami gagawing voice talents kase mapapraktis yan. Halimbawa kung gusto raw naming mag voice over sa Philippine Airlines 1,000 times lang namin ulit ulitin yung pakikinig sa PAL announcement kase tiyak na makukuha namin yan. He added na the voice is the result of what you hear. Pipi ang isang pipi dahil wala silang naririnig o naiimitate na tunog.


    Also, yung accent daw is part of the sound that we imitate. Ito ay pwedeng gayahin at hindi ekslusibo sa isang partikular na grupo. Tulad ng wika at accent nating mga Pilipino na king saan neutral tayo at syllabicated dahil nanggaling sa MelanoPolynesian language kaya mas madaling magcombine as compared to other languages tulad ng Chinese na magkadugtong dugtong. Idiniin ni Sir Choi na huwag dapat ikahiya ang accent namin. Hindi dahil hindi tunog Amerikano pangit na mag English - just be you and be proud of your accent lang for there is no problem with the accent but on how do you use it. Also, mahalin namin yung way how we speak kase madedevelop lang naman iyon. Binalikan ni sir Choi yung sinabi ni Miss Lyn na sa katunayan daw ay hindi siya nagyayabang - sa katunayan ay ipinagmamalaki niya raw kami at kami ang tunay niyang kayamanan. Naiyak at tumulo talaga luha ko sa part na sinabi ni Sir Choi na if he repost a video of us and the like ibig sabihin nun ay sobrang proud siya sa amin at he wants people to know that we exist cause we believed in ourselves na pwedeng ishare. At isa ako dun sa mga taong nagcreate ng introduction video na naishare ni Sir Choi at nasurpresa talaga ako nun.


    Nagsstalk kase ako sa profile ni sir at nashookt ako na yung mukha ko andoon! Shinare niya pala napa comment ako kaagad at nagpasalamat sa kaniya. Grabe yon ang sarap sa pakiramdam na may mga taong nakak appreciate sa ginagawa mo. Starting today gagawin ko ng inspirasyon ang mga taong naniniwala at sumosuporta sa akin. Moreover, Sir Choir added that self discovery is one of the most important things in life at sa CVAP dapat paigitingin at payabungin ang kultura ng pagtutulungan. Also, sa CVAP we have a heart of a lion, vision of an eagle, and attacks like a hornet. 


    I really love it when sir Choi reminds us that our principle really matters the most. That is why our mindset and heartset should be pure. Pinaulit niya rin sa amin ang mantra ng CVAP na “ I become. I believe. I am. Pagkatapos ay ipinakita niya ang kaniyang recording studio at ang mga websites na pwede na naming mapplyan as early as now. Mas nalinawan ako sa tinatawag niyang program na Creativoices kase kami mismo yung gagawa ng orihinal naming estilo sa pagdedeliver. Bale may shift ng ibang atake kaming gagawin at marunong kaming sumunod at lumikha ng sarili naming tunog. 


    Para sa afternoon session namin, nagdiscuss si Ma’am Nikie ng tungkol sa branding at niche at mga paraan paano ito madiscover at medevelop. After that nagdiscuss na ang bawat break out rooms para sa live dubbing na magaganap for our activity. Clips from the anime Persona  yung napili namin dahil sakto sa kung ilan kami sa grupo. Sobrang kabado ako nun kase kulang yung practice ko at masyadong itinaas ng mga breakout rooms before sa amin ang bar. Pero syempre magaling din kami kase taga CVAP kami kaya naitawid namin. Naenjoy ko yung DAY 4 ng CVAP at marami akong natutunan na makakatulong talaga sa akin para sa hinaharap at upang makamtan ko yun aking mga mithiin at adhikain. 


 


Post a Comment

Previous Post Next Post