CVAP Batch#9 Day2 Erica Castañares~Gandalicious Voice

  Great Day

Alam n'yo ba guys, bakit ganun napaka bilis ng oras? kasi naman hindi ko pa tapos yung Day 1 assignments  biglang Day 2 meeting na ulit pero syempre dahil tinambakan si Inday n'yo baka gawing araw na lang ang gabi para matapos yung mga assignments hehe well ganun talaga kasama kasi sa requirements para maging CVA (Certified Voice Artist)  pero syempre sana makayanan kong gawin lahat ofcourse yes wag mag alala may matatanungan namang mga GENIUS Voicemates kaya ok lang Pero ang ganda naman ng bungad ng Day 2 meeting kasi may guwapong guest kami si kuya mong Joshua Anthony Simeon (The Voicescout)  kasi nga  laging handa pag dating sa pag gawa ng mga assignments noong estudyante pa lang siya ng CVAP pero nang makatapos na siya lagi rin siyang handa pag dating sa mga projects tulad ng pag voice over sa commercials pero ewan ko kung naka sabak na rin siya sa dubbing nag bigay rin siya sa amin ng mga tips kung paano maging effective CVA mag bigay lang ako ng konting tips n'ya na fit sa sitwasyon ko at ng mga voicemates

1) RITEMED-> Huwag mahihiyang magtanong kung paano ang gagawin sa mga assignments lalo na kung cellphone at headset lang ang gamit ni Inday nyo hehe😆😂

2) share your experience/struggle is real moments. At least pwedeng makatulog or pwedeng tumawag ng atensyon para humingi ng tulog para mapadali ang assignments mo at ng iba

3) Listen to your fellow CVA on how to improve your voice over Oo kailangan  makinig at sumunod sa mga expert na sa pag gawa ng mga assignments at sa mga nag ko-coach sa voice acting para mag improve 

4) Immune to Rejections and Learn to move on este MOVE FORWARD pala yung tipong uminom ng isang galong anesthesia!  Jokes lang 🤡😆

Pag katapos ng presentation ni Mr. The Voicescout nag paulan naman ng Love advice si Ms XTA Voice Oo kailangan din yun sa buhay at ang best advice niya para mag karoon ng seriously relationship sinabi niya "TAKE YOURSELF SERIOUSLY" And it comes with respect at kung mahal mo at nirerespeto mo ang sarili mo hindi mo hahayaang masaktan ka ng iba at kung sakaling masaktan man nila tayo kawalan nila yun at hindi sa atin and mostly Hindi minamadali ang FOREVER!  

Si Ms Nikkie naman nag present din ng motivation at sinabi nya sa amin We are the first Fan of our selves at kailangan naming makita ang mga potential and niché namin at mag focus kami sa messages na gusto naming iparating sa mundo

And last si Voice Master naman ang nag speech Nag tanong siya sa amin kung paano ang mundo kung walang boses at musika ehh di napaka boring ng mundo! "Dahil ang buhay ay parang Musika depende sa pinapakinggan ang nararamdaman"

Nag bigay rin si Voice Master ng trivia tungkol sa mga Mass Communications Major sa mga sikat na University sa College mga "Bobo" daw sila sa math! 😆😂

hay naku kahit si Inday n'yo rin bobo sa math kasi kung matalino ako sa math eh di pwedeng iba sana ang buhay ko pwedeng architect,  engineer,  accountant, or Mathematics Professor ako at hindi ako tindera't atchay

Napansin ko nga na may mali sa Educational Systems ng mundo ngayon base sa sinabi ni Sir Choy  na kailangan mataas ang grades para masabing magaling at matalino ang isang estudyante kahit sa school kung saan ako nag graduate magastos kasi sa Math subject namin daming project at mahal pa! kaya sa quizzes, exams,  at sa attendance lang ang pambawi ko mataas lang ang score ko sa Math lalo na pag may reviewer kasi kinakabisado ko lang, Oh di ba! Kahit paano di ko ramdam na BOBO ako sa Math infact lakas maka taba ng utak ng idea ko para maka pasa lang sa high school 

Pero ibang iba talaga dito sa CVAP may scholarship na,  happy environment na,  at di kailangan ng sobrang taas ng grades basta makakapasa lang ng maayos na assignments

Pero hindi naman libre ang scholarship dahil may nag bayad nito para sa scholarship ng mga walang pera at isa ako sa mga nabigyan ng tulong para makapag aral dito sa CVAP, sabi ni Sir Choy "Theres no such as free lunch because at the end of the day someone who pays it 

Tinanong niya kaming lahat sa plenary kung gusto ba naming maging better version ng mga sarili namin may mga voicemate din siyang tinawag kung ano ang sagot nila maraming sumagot ng "yes po sir" Then sinabi niya na mag stay kami sa CVAP 

Dahil dito sa CVAP wala namang grading system dahil hindi naman masasabing pare pareho ang galing at talino ng mga tao base sa grades at tinuturo sa amin ni Sir Choy na ang mga ginagawa naming mga activities dito ay kung paano namin tinitignan ang mga sarili namin at ang mga potential na pinapakita namin everytime sa Zoom 

Tinuro sa amin ni Sir Choy kung ano ang pag kakaiba ng voice talent sa voice artist

VOICE ARTIST-> Doing Voice Over for Art, for Passion,  and for the Craft when the voice was developed the money comes in

VOICE TALENT->Doing Voice Over for money and for fame

At tinuro din sa amin kung paano gumawa ng character voices at proper voice care 

Sa afternoon activity namin each BR group merong mag pa-participate sa character voices short story lang tungkol sa amin in 3 character voices in 3 minutes at dahil nag loloko ang wifi namin that time konti lang ang narinig sa boses ko pero at least may naka appreciate naman at nagustuhan nila ang last part yung CUTE voice ko at lahat kami ay nag enjoy sa Activity!! 😆😘

Post a Comment

Previous Post Next Post