CVAP Week 4, An amazing Journey.

 September 25, 2021


Isang araw na puno na naman ng matututunan, wala pa ring bago ganon pa din. Medyo tanghali na nga pala ako nagising kaya di ko na naabutan yung speaker, ang naabutan ko na ang kaunting paalala ni Ms.Nikie. Sumunod naman ay si Sir Choi, sa pagkakataong ito, hindi siya nagbigay ng mga W.OW o words of wisdom. Nagbigay siya pero mangilan ngilan lang. Sa kanyang pagkakawari hindi mo maikokonsidera ang iyong sarili na magaling kung hindi mo ito ibinabahagi sa iba. Tunay ngang nakakatagos ng puso ang bawat aral na mapapakinggan mo mula sakanya. Ipinakita niya rin sa amin ang kanyang set up, at tunay ngang nakakainspired sapagkat makikita mo na kahit hindi ganoon enggarbo ang studio ni sir choi, doon mo naman makikita ang samahan, at saya bilang isang voice artist. 


 Kinahapunan, nagkaroon ng konting usapan sa pagitan namin ng mga host kinakabahan nga ako ng mga oras na yun eh, pero sabi nga ienjoy mo lang ang CVAP at walang mawawala. At gaya nga ng sabi nila inenjoy ko lang ang pakikipag usap sa kanila. At makatapos nga ng kaunting diskusyon ay muling bumalik sa plenary hall si  Ms.Nikie doon ay muli niyang idiniscuss ang mga na discuss ni sir choi.Makatapos nga non ay nagkaroon kami ng activity, zoom arte. Nag dub kami hehe, nakaka aliw kasi andami nilang ginawang twist. Nakakakaba man pero super enjoy.


Isang araw muli ang nagdaan na puno ng saya at kulitan, ang bawat aral sa CVAP ay tiyak na dadalhin mo hanggang sa huli. Para bang itoy isang tattoo na permanente ng nakadikit sayo. Bawat aral, at payo ay nakakaengganyong pakinggan, dahil ito ay isa sa mga salita na maaring makatulong sayo at makatulong din sa ibang tao. 

Post a Comment

Previous Post Next Post