Taiwanesang Aktres na si Barbie Hsu, Pumanaw sa Edad na 48 Dahil sa Pulmonya

Taiwanesang Aktres na si Barbie Hsu, Pumanaw sa Edad na 48 Dahil sa Pulmonya


Shan Cai


Pebrero 3, 2025 | 11:11 AM

Taipei, Peb. 3 (CNA) – Pumanaw na sa edad na 48 ang Taiwanese actress na si Barbie Hsu (徐熙媛) dahil sa pulmonyang dulot ng trangkaso matapos mahawa nito noong pagdiriwang ng Bagong Taong Tsino, ayon sa kumpirmasyon ng kanyang kapatid nitong Lunes sa pamamagitan ng kanilang ahente.

"Ang buong pamilya namin ay nagpunta sa Japan para sa isang bakasyon, ngunit ang pinakamamahal at pinakabuti kong kapatid na si Barbie Hsu ay pumanaw dahil sa pulmonyang dulot ng trangkaso at tuluyan nang lumisan sa amin," pahayag ni Dee Hsu (徐熙娣), kapatid ni Barbie at isang talk show host, sa pamamagitan ng kanyang ahente.

"Nagpapasalamat ako na naging kapatid ko siya sa buhay na ito, at nagkaroon kami ng pagkakataong alagaan at makasama ang isa't isa. Habang buhay akong magpapasalamat sa kanya at mamimiss ko siya nang lubos!"

Iniwan ni Barbie Hsu ang kanyang asawang Koreano, ang mang-aawit at DJ na si Koo Jun-yup, pati na rin ang kanyang 10-taong-gulang na anak na babae at 8-taong-gulang na anak na lalaki mula sa kanyang dating asawa, ang negosyanteng Tsino na si Wang Xiaofei (汪小菲).

Pinakakilala si Barbie Hsu sa kanyang pagganap bilang pangunahing bida sa sikat na Taiwanese drama na Meteor Garden.

Post a Comment

Previous Post Next Post