A Legend of the Philippine Voice Acting Industry (Day 3)

Nagsimula sa pag-arte sa teatro, hanggang sa maging isang batikang artist at director sa larangan ng voice acting. Ito ang naging takbo ng karera ng isa sa mga ika nga'y alamat at pioneer pag dating sa industriyang ito na si Danny Mandia.

Ang iniisip kong mindsetting ng CVAP ay hindi lamang din nga sa loob nito makikita. Marahil ang mga pioneer na bumubuo sa industriya ng voice acting sa Pilipinas ay may purong prinsipyo hindi para sa sariling kapakanan kundi isang prinsipyo para makapag-inspire ng karamihan. Isa si sir Danny sa mga taong ito na naging speaker sa programa ng CVAP. Umpisa pa lamang ng siya ay bumungad sa screen, ang agad niyang sinabi ay kung sino ang gustong magtanong. Here, I could see the openness of the person who is ready for anything no matter what. Ni hindi niya kami nakikilala ngunit para bang nais niyang makipag-ugnayan sa amin ng personal at mayroong openness in everything. As I listen to the legend, his perspective towards the reality in the industry strengthen my stand and my mind that I really need to be strong even before I start to enter the door of the industry. The wolves and the money-makers are what he meant. Paulit-ulit kong naririnig ang mga simbolismong ito, mula kay sir Choi and even to the legend sir Danny. It means that they are serious about it, and I must take it seriously as well. They are just teaching each and everyone to be ready, brave and strong for the things that we are about to face outside.

Marami man silang paalala tungkol sa dark side ng industriya ngunit hindi ito ang mas nagpapatatag sakin para mas magpatuloy, kundi ito ay dahil sa pangarap ko at sa aking purpose. I know my strength is greater than these adversaries. Higit akong natutuwa at mas nagiging motivated dahil sa mga bagay na matututunan ko kapag naroon na ako. Higit na magiging masaya ako dahil sa mga taong makikilala ko pa. And why shall I be afraid if I have a family that guides, motivates and who are ready to fight with me through battles.

All the glory to my good LORD's name.

Post a Comment

Previous Post Next Post