CERTIFIED VOICE ARTIST PROGRAM BATCH 9, DAY 3: PANUNUMBALIK

 CVAP Day3 Blog Post:

Yoooooow!!! Hello, mga ka-Jammers!!!

Ikatlong araw... Mantakin mo yun! Ikatlong araw na ng klase sa Voice Acting! Kaunting sulong na lang, graduation na. Kaunting kayod na lang, Certified Voice Artist na si Kuya Intoy.

Teka… Ilang araw lang ba ang klase? Apat? Lima? Tapos sertipikado na agad?

Aba, bakit naman hindi? Akala mo ba, ang pagkatuto at paghahasa ay nasa loob lamang ng apat na sulok ng silid-aralan? Hindi, ‘no. Matagal ko nang natutunan ang pilosopiyang ito. Nasa kolehiyo pa lamang ako, ito na ang pinaninindigan ko.


 

Totoo naman, ‘di ba? Kung sa silid-aralan lamang tayo hahanap ng matututunan, hindi magiging lubos ang ating pagkatuto. Oo, mahalaga ang impormasyon sa mga leksyon. Mahalaga rin na marinig mo ang mga sasabihin ng iyong guro. Ang mga bagay na ito ay ang magiging pundasyon ng iyong pagkatuto. Ngunit, kung ang mga ito ay mananatili na lamang sa ganoong antas, hindi nga ba’t ito ay mawawalang saysay? Mas mahalaga at mas kapakipakinabang ang pagkatuto kung ito ay mailalapat mo sa aktwal na mga gawain. At ito na nga ang sinasabi ko kanina. Hindi como apat na araw lang ang training ay apat na araw lang kaming nag-aaral. Gusto mo malaman kung paano? Enroll ka muna sa CVAP. Chaaaar. Hahaha…

But kidding aside, the learning and training never stops after the Zoom meeting has been ended. Hello! Ang dami kayang assignments per day! These assignments are an extension of the Zoom class. Kumbaga, yung Zoom Class ay isang buong araw lang ng kulitan, kwentuhan, tawanan, at kwentuhan ulit. Nasa assignments ang totoong labanan. At ang isang set ng assignment ay hindi mo kakayaning tapusin sa loob ng isang araw. (Kung kaya mong gawin yun, edi ikaw na! Isa kang alamat!) Again, in all honesty, these assignments, I believe, are designed not to be accomplished in a single day. They are meant to be done painstakingly, cognitively, creatively, and excellently. If you have to do it otherwise, perhaps, don’t do it at all. Masasayang lang efforts mo. Masasayang lang oras mo.

 

Sabi sa inyo, eh. Hindi talaga Voice Acting Class ang CVAP. Isa itong mahabang recollection. Chaaar.

 

Pero tuloy natin yung kwento, as usual.

 

Third day, nagkumustahan, nagkulitan, flashflood of learnings na naman.  The ever present philosophy in any kind of art, “Practice!” I was reminded of the importance of practice. Sa totoo lang, sa una kong craft, singing (Choral and Solo,) yan ang madalas ko nang nawawaglit. Sanay na, eh. Kampante na. Pero sa Pochology Segment (personal tag ko yan kapag time ni Sir Choy) ngayon, narefresh ako. Yes, napakahalaga ng practice. Kasi sa practice mo mas madidiskubre kung ano’ng mga kaya mong gawin, mga dapat mong baguhin, at mga dapat mo pang i-improve. Yun lang ang tanging paraan para mas maging totoo ang iyong pagkatuto. Hindi ka huhusay, kung hindi ka magsasanay.


Sabi sa’yo, eh. Hindi lang talaga sa classroom magaganap ang pagkatuto.

 

Eto pa nga! May panalong nangyari!

 

Na-meet namin si BTX.

 

Cue: BTS OST…

“Maglalakbay ako patungo sa kawalan,

Upang habulin ko'ng pangarap sa buhay.

At susuungin ko itong kadiliman,

Makita ko lamang ang liwanag ng katarungan.”

 

Yung kwento about sa kanya, nasa kabilang blog post. Tuloy natin dun ang kwentuhan! ;)

 







Post a Comment

Previous Post Next Post