Great day uli mga ka voicemates! Sa wakas second week na ng CVAP. Masaya ako na nasurvive ko yong first week at ngayon ay excited pa rin na pumasok para matuto at mag-enjoy.
Gaya nung naunang session, ang second session na ito ay nagsimula sa kumustuhan at of course kulitan ng CVAP hosts at voicemates. Sinundan ng isang napakahusay na presentasyon ng aming guest speaker na si Joshhy or aka "The Voice Scout". Sobrang dami kung natutunan kung sa kanya lalong-lalo na kung ano dapat asahan, ano ang dapat paghandaan at ano ang dapat gawin kapag kami ay nakapagtagos ng CVAP. Bilang isa sa mga CVAP graduates, isa si Joshyy sa mga hinahangaan ko, hindi lang dahil sa kanyang talento ngunit pati na rin sa attitude. Makikita mo na kahit papaano ay nasimulan na niyang makamit niya ang kanyang pangarap ay sobrang humble pa rin niya at hindi nawaglit sa kanyang personalidad ang isa sa mantra ng CVAP at yun ay ang pagshare sa kung ano man ang nalalaman niya na makakatulong sa amin.
Of course hindi rin mawawala yong Pochology moments with The VoiceMaster. Isa sa mga tumatak sa akin ay ang linyang, "Our voice is not just a gift, it is a choice". Napag-isip-isip ko na, tama nga si VM na sa sobrang mahiwaga ng ating boses, hindi lamang iisang identity ang kaya nating maipakita sa mga tao gamit ito, at nasa sa'yo kung ano ang boses na gusto mong marinig ng ibang tao para maging iyong pagkakakilanlan. Idagdag ko na rin, ang sabi ni VM na, "It's not just what you say, but how you say it". Sobrang dami kasi ng mga magagaling na speaker at talagang magaganda ang nilalaman ng kanilang sinasabi pero iba pa rin talaga kapag si VM na ang nagsalita. Nararamdaman ko ang koneksyon at kung gaano kagenuine yong kagustuhan niya na iangat ko ang aking sarili. 'Yung tipong kahit marami kayo na pinagkikuwentuhan niya ay mararamdaman mo na parang nasa tabi mo lang siya at sa'yo personally sinasabi iyon ni VM.
After lunch break itinuloy na ng aming mga hosts na sina ma'am/sir Jeff, Rich, Christa at Nickie ang mga teknikal na usapan pagdating sa pagboboses. Yun na nga ang The VoiceMaster's Formula, paano hanapin ang Niche at ang mga Voice Care Tips. Sobrang naaliw kami sa The VM Formula dahil natutunan namin kung paano paglaruan ang aming boses. Medyo mahirap din isustain ang mga panibagong boses na nadidiskobre at ito ang isa sa mga bagay na dapat talaga naming bigyan ng oras. Sa paghahanap naman ng Niche ay medyo nabagabag ako ng kaunti dahil iniisip ko na baka yung niche ko pala ay iba sa mga gusto kong ginagawa. Pero ayon naman kay Ms. Nickie, normal iyon at kailangan magfocus ka muna kung saan bagay ang iyong boses bago ka magtry ng ibang genre. Pagdating naman sa Voice Care Tips ay madaming nabahala dahil sa mga bagay o pagkain na kailangang iwasan para mapangalagaan ang aming boses. Isa na ako dun dahil pagdating sa akin, coffee is life at mahilig din ako sa maaanghang na pagkain. Sa ngayon ay maaaring hindi ko masunod lahat ng mga tips pero at least aware na ako at malilimitahan ko na ang aking sarili sa paggawa o pagkain ng mga ganoong bagay.
Hanggang dito na lang muna mga kavoicemates, see you on my next blog!
Day 2 Vlog - https://youtu.be/vJEXO9rFpRU