Its a great day nung nakita kong nagsalita sa program namin ang isa sa mga legend at batikan sa industriya ng voice artistry, At eto ay walang iba kundi si Mr. Danny Mandia "The Father Of Modern Filipino Dubbing". Isa sa mga certified voice artist na malaki ang naiambag sa industriya ng voice industry. Bago kami tumungo sa activity marami siyang nashare na experience sa amin tungkol sa dubbing, Isa lang naman siyang naging dubbing director sa mga series na karamihan nanapanood natin nung bata pa tayo. Sabi nga niya sa aming lahat, grab your opportunities kung ano ang meron kasi wala namang tutulong sa amin kundi sarili lang din namin, nandun dapat ang perseverance at dedication para sa ginagawa namin. Maraming time ang dapat namin bunuin at sakripisyo para matuto at lumawak ang kaisipan sa voice industry.
Para maging isang voice artist, kailangan natin ng experience. Sa mundo ng voice industry, nabanggit niya ung mga tungkol sa mga taong nasa industriya na aalis at naninira ng imahe ng tao once na may nagbukas ng pinto or isang opportunity. Kaya ako ay nagpapasalamat dahil napunta ako sa CVAP community na pamilya ang turing sa bawat isa. Sharing is caring,Ika nga lagi din kaming magshare sa mga tao ng hindi humihingi ng kapalit.Kailangan din namin matuto sa feedback ng may experience na tao para kami ay magimprove kahit matinding kritisismo pa eto na masakit man na patama sa amin, Naisip ko na ok lang kasi sa paraan na ito, Dito kami magiimprove at maboboost ang confidence namin to be a great voice artist.
Sobrang dami kong natutunan, lahat ng naishare niya sa amin ay madadala namin sa ibang journey at sa buhay na tatahakin namin. Makabuluhan ang laman ng programang ito at dito ko nakita at naramdaman kung papano kami mas magiimprove sa future .Nagpapasalamat ako kay Mr. Danny Mandia sa mga words of wisdom na binigay niya sa amin, Nakakataba ng puso at isipan ang mga experience niyang na ishare sa amin.