MY WEEK 3 BLOG : Napakagandang araw para sa pangatlong linggo ng CVAP program, At sa simula ng oras na iyon, nagsimula na ang kamustahan ng umagang iyon. Nagtawag ng random person para kamustahin at nagpasample pa nga ng voice in three different modulations. After nun, inintroduce nila ang bagong guest na si Lara Cruz "The Voice Nova" at nagshare siya ng kanyang experience bilang voice artist. Sumunod naman si Papa Lem "Voice Pappy" na nagshare din ng buhay niya bilang voice artist at kinuwento nia kung paano sila nagkalink ni VoiceMaster at kung papano cya namotivate para sa journey niyang dinadaanan.Do what you love and love what you do at availability is your ability na mga ilang mantra na binanggit niya sa aming lahat. After ng time na un, Eto na ang hinihintay namin at nakita na naman namin ulit si Mr. Pocholo "The VoiceMaster" Gonzales, At handa na ako makinig sa mga mahiwagang words of wisdom na sasabihin niya, At nabanggit niya ulit ung salitang you will only appreciate a moment until it becomes a memory at naisip ko na yes totoo yun kahit sa ibang aspeto ng bagay. Nabanggit niya din na we have choice to be good or to be bad, and it is up to us nga kung anu ba pipiliin nating buhay na tatahakin. Sa session 5 lecture namin, nandito na ang kailangan gawin namin at eto ang Practice Practice Practice at dito ko nalaman na bilang voice artist, need talaga natin magsalita kasi you need to express para madeliver mo ng maganda ang boses mong bibitawan, At kung gagawin mo rin lang , ibigay mo na lahat kasi nandoon na ang time mo para ipakita mo ang best mo. Isa sa narinig kong bago sakin is nabanggit na ang isang voice artist ay hindi nalalaos kasi hindi tayo sumisikat, First time ko marinig yon at nasabi ko na, Oo nga no ? alam lang natin may nagdudubb pero pinapansin lang natin is yung pinapanood lang natin. Bago kami umusad sa activity, may special guest na pinakilala samin at eto ay walang iba kungdi si Danny Mandia, Isang batikan din at nagshare ng experience tungkol sa journey ng voice dubbing. Grabe iba talaga kapag nakikinig ka sa mga ika nga kung tawagin ng legends. Zoom-Arte ang activity bago matapos ang araw na eto, bitawan ng boses na may konsepto at bibigyang karakter na isa daw kaming superhero. Nakakatuwa lng ksi group activity to na hindi namin kadalasang ginagawa. Masaya ang pangatlong linggo namin at isang linggo na lang tila napakabilis ang araw. Priceless and very worth it, So ayun nga ! See you sa next and last week ng programa ng CVAP namin at excited na ulit ako.