No title

 MY WEEK 4 BLOG :  Napakabilis ng araw, Huling linggo na pala ng programa at hinding hindi ko eto makakalimutan sa sobrang dami kong natutunan. Umagang kamustahan para sa aming lahat at di pa din makapaniwala na last week na pala ng certified voice artist program batch 9, Nagiisip na din ako kung ano ba plano ko pagtapos ng programa na eto. Pero un nga, bago matapos ang araw na eto, Marami pang diniscuss sa amin ngaung araw na eto. At siyempre pinakilala ni sir Richard at sir Jeff si Samantha Ocampo ng umaga at nag pawarm-up sila sa mga random people ng tagalog at english tounge twisters. Sinabi sa amin na eto ay nakakatulong upang maemphasize namin ang mga mababasang scripts. Sumunod naman na special guest na nagsalita sa amin na galing sa batch 1 ay si Lyn Gonzales at nagbigay siya sa amin kung ano ba ang next step namin after CVAP. Sabi nga niya na we need to stay in the loop ng hindi kami mawala bilang voice artist, Kailangan namin mapanatili or masustain ang fire na nasa amin. "Talent will get you in the door, But character will keep you in the room". Isang malaman na words ang binigay sa aming lahat at karagdagang knowledge ito hindi lang sa pagiging voice artist na madadala din sa ibang artistry. Nung natapos nang ibahagi samin ang dapat gawin namin after CVAP, Nagpakita na at eto na ang hinihintay ng tao, Ang the Voice Master na si sir Pocholo De Leon Gonzales, At nagbigay siya ng idea at nagshare sa amin kung ano ba ang mga equipment na kailangan namin to create own studio. Condenser Microphone na may pop filter with mic stand at headset na close back. Pinakita niya din ang loob ng recording booth kung saan ginaganap ang dubbing session at editing room kung saan nandoon ang mixer na maririnig galing sa recording booth. Sa pag gamit ng mic,Tinuro niya sa amin ung dapat na distance pag magsasalita sa mic, At ang tawag doon aay proximity effect na ang normal na layo dapat is 6 inches away kasi kapag lumapit ka ang tendency kapag nagsalita ka is burst or sabog kumbaga masakit sa tenga pakinggan. Sabi ni sir Pocholo sa amin , Learn to strike kahit baguhan kasi ung mga datihan hindi naman kami kilala kasi bago pa lang kami pero ok lang sa una para ma experience namin ang isa sa proseso ng pagiging voice artist, Daig ng marami ang magagaling yan din ang sinabi niya sa amin na tipong attack of an hornet kumbaga huwag namin solohin ang meron kami na dapat ibinabahagi eto sa mga tao . At sa activity namin sa hapon , Sobrang nagenjoy ako dahil dubbing activity ang ginawa namin at dun ko natest ang sarili ko na kailangan kong gawin na eto. Nagulat ako dahil nagagawa ko siya ng may acting at expression na di ko akalain na kaya ko palang gawin. Di ko makakalimutan ang moment na eto since its a last day of program ng batch 9. Feeling ko masaya ako na gusto ko umiyak kasi napunta ako sa di ko inakalang nageexist pa ang voice art. Sana magpatuloy pa ang programa ng Certified Voice Artist ng sa gayon marami pang matulungan na tao sa pagbabahagi kung ano meron sa voice industry. Maraming salamat CVAP sa pagbigay ng bagong tulay ko sa buhay at magagamit ko din ito at maibabahagi sa mga tao  kung ano ba ang journey ko bilang voice artist.



Post a Comment

Previous Post Next Post